Dapat bang sundin ang mga magulang?

Dear Dr. Love,

Ang pangalan ko po ay Lucy, 22-anyos, single at may kasintahang foreigner.

Nakilala ko po si Jack sa debut ng aking matalik na kaibigan. Isa siyang Amerikano na taga-San Francisco, California.

Si Jack ay 45-anyos na. Dini-discourage ako ng aking mga magulang dahil para ko na raw siyang tatay.

Pero sa totoo lang, hindi siya mukhang matanda. Para lang siyang 30-anyos at maganda ang pangangatawan.

Dapat ba akong sumunod sa aking parents na tutol sa kanya?

Lucy

Dear Lucy,

Sa pag-ibig, hindi importante ang edad. Ang mahalaga ay ang pagmamahalan ng magka­sintahan.

Tungkol kay Jack, nakatitiyak ka bang binata siya at talagang mahal ka?

Mag-iingat ka rin dahil maraming Pilipina ang nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa mga dayuhan.

Kung nakasisiguro kang liligaya ka sa kanya at hindi ka magsisisi, sundin mo ang damdamin mo. Ang tungkulin lang ng mga magulang ay mag­­payo pero hindi dapat pangunahan ang damdamin ng anak lalo pa’t kung ito’y nasa tamang edad na.

Dr. Love

Show comments