^

Dr. Love

Naghihintay

-

Dear Dr. Love,

A very pleasant greetings to you, Dr. Love. Isa lamang ako sa milyun-milyon mong avid fans at talagang kulang ang araw ko kapag na-miss kong basahin ang iyong kolum.

Sana naman, sa pagtanggap ng liham kong ito ay nasa mabuting kalagayan ka. Sana rin ay mai-feature mo ang aking sulat at mabigyan mo ako ng mahalagang payo.

Tawagin mo na lang akong Eliza, 20-anyos.

May boyfriend ako nung araw. Mula pa sa high school ay kami na. Matagal ang aming relasyon. Pero nang mag-graduate siya sa college at nag-abroad sa USA, naputol na ang aming komunikasyon.

Wala rin akong mapagtanungang kamag-anak niya dahil buong pamilya nila ay nag-abroad. Maraming lumiligaw sa akin pero ayaw ko pang makipag-boyfriend sa iba at baka bumalik siya. Dalawang taon na kaming walang contact.

Dapat pa ba akong maging loyal sa kanya at maghintay?

Eliza

Dear Eliza,

Kung hindi man lang siya sumulat sa iyo ni minsan for the past two years, kalimutan mo na siya.

Kung tapat ang pag-ibig sa iyo ng iyong boyfriend, high-tech na tayo at may e-mail. Mura na rin ang text message sa cellphone. Bakit hindi siya nakipag-communicate sa iyo?

Ituring mo na siyang lumipas na kabanata ng iyong buhay at buksan ang iyong puso sa mga nanliligaw sa iyo.

Dr. Love

BAKIT

DALAWANG

DAPAT

DEAR ELIZA

DR. LOVE

ELIZA

ISA

ITURING

MARAMING

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with