^

Dr. Love

Mabisyong asawa

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Rochelle, 24- anyos at may asawa na. Ang problema ko ay tungkol sa asawa kong babaero at lasenggo.

Malaki sana ang kita niya bilang supervisor sa isang factory. Pero wala kaming naiipon dahil sa masama niyang bisyo.

Parang nagsisisi ako ngayon. Madalas kaming nag-aaway ng aking mister dahil sa kakapusan ng pera. Tinatakot pa niya ako na kung ayaw ko na sa kanya ay lumayas daw ako.

Hindi ko magawa dahil sa aming dalawang anak na pawang musmos pa. Ngunit madalas magdanas ng gutom ang mga anak ko gawa ng asawa ko dahil ang iniuuwi niyang pera ay kulang na kulang sa aming pangangailangan.

Ang sabi sa akin ng parents ko, puwede akong magbalik sa kanila at isama ko ang aking mga anak na nasa edad na tatlo at pitong taon. Hiwalayan ko na raw ang aking asawa. Tama ba ang payong ito ng mga magulang ko?

Rochelle

 

Dear Rochelle,

Kung alang-alang sa mga anak mo, sige, sundin mo ang iyong mga magulang. Hindi ako pabor sa paghihiwalay ng mga mag-asawa pero kung ang mister mo ay taksil na at pinagkakaitan pa kayo ng sustento, may laya kang gawin ito.

Kung tutuusin, ang unfaithfulness at pagiging lasenggo ay isang matibay na ground sa pagpapawalang-bisa ng kasal o annulment.

Sa ngayon, ang dapat mong intindihin ay ang kinabukasan ng iyong mga anak.

Dr. Love

DEAR ROCHELLE

DR. LOVE

HIWALAYAN

MADALAS

MALAKI

NGUNIT

PERO

TAMA

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with