^

Dr. Love

Galit sa mundo

-

Dear Dr. Love,

Bago po ang lahat, isang taos-pusong pagbati sa inyo. Isa po akong tagasubaybay ng inyong column. At nais ko pong ibahagi sa inyong mga mambabasa ang aking naging karanasan sa pag-ibig.

Alam po ninyo,15-anyos pa lang ako, naglayas na ako sa bahay namin dahil hindi ko kasundo ang aking stepfather.

Nakaranas po ako ng kalupitan sa kanya. Tuwing nagsusumbong ako sa aking ina, hindi niya ako pina­ niniwalaan. Kaya napilitan akong maglayas. Noong pana­hong yaon, wala akong mapuntahang pamilya na kukup­kop sa akin. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa mundo.

Ang tingin ko sa aking sarili, isa akong estranghero sa sariling bayan. Iba’t ibang trabaho ang pinasok ko para lang ako makakain.

Kapag naaalala ko ang dinanas kong kahirapan at pagsusumikap para mabuhay dito sa mundo, hindi ko maalis na hindi kaawaan ang aking sarili.

Hanggang isang araw, habang nakaupo ako sa Luneta Park, may lumapit sa aking isang babae na tawagin na lang nating Anna Mae.

Nagkakilala kami at dito niya sinabi sa akin na tulad ko, naglayas din siya sa kanilang bahay dahil naman sa kalupitan ng kanyang madrasta.

Habang ikinukuwento niya sa akin ang kanyang buhay, walang tigil ang pagtulo ng kanyang luha. Naawa po ako sa kanya.

Humigit kumulang na dalawang buwan din kaming nagkasama sa lansangan. Sa loob ng panahong ito, na-in-love ako sa kanya. Pero isang araw, nagpaalam siya sa akin. Babalik na raw siya sa kanilang bahay.

Noon ay Nobyembre 10, 2007. Sinamahan ko siya sa bus terminal na nagbibiyahe sa kanilang lugar. Dalawang lalaki ang lumapit sa amin at nagdeklara ng hold-up.

May hawak na baril ang isa sa kanila. Wala akong inisip kundi ang agawin ang kanyang sandata.

Naagaw ko naman ang baril at pinaputukan ko siya sa tuhod. Ang dalawang kasama niya ay nagpulasan ng takbo.

Dumating ang mga pulis at dinala ako sa presinto para gawan ng imbestigasyon ang pangyayari. Ikinulong ako sa aking pagkakapatay sa holdaper

Humigit kumulang na limang buwan na ako sa piitan nang dumalaw sa akin si Anna Mae.

Nangipuspos ako nang ipagtapat sa akin ni Anna Mae na nagdadalang-tao raw siya at ang ama ng dinadala niya ay ang bestfriend ko.

Hindi ko po matanggap ang ginawa sa kanya ng bestfriend ko. Si Anna Mae ay ipinagtanggol ko hanggang sa makapatay ako ng tao. Mahirap talagang tanggapin sa kalooban ang pangyayaring ito.

Wala naman akong magawa kundi tanggapin ang nangyari. Nang matapos ang paglilitis sa kaso ko, nahatulan ako ng pagkabilanggo ng mula walo hanggang 14 taon.

Dito, ipinagpapatuloy ko ang aking pag-aaral sa kursong bokasyonal para naman may maganda-ganda akong hinaharap paglaya ko rito sa piitan.

Ang tangi ko na lang pong hangarin ay magkaroon ako ng kaibigan sa panulat.

Salamat po at more power sa inyo.

Lubos na gumagalang,

George Casinillo

Medium Security Compound,

Bldg. 6 Student Dorm 6-C,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear George,

Huwag kang magalit sa mundo. Huwag ka ring magalit sa sarili mo. Ang naging karanasan mo sa pag-ibig ay hindi mo kagagawan.

Maaaring isa lang itong mabigat na pagsubok sa iyo ng tadhana kung makakayanan mo. Makikita mo, kung malalampasan mong lahat ang mga pagsubok na ito, masasabi mong naging matatag na ang iyong kalooban.

Ang pagbutihin mo ay ang iyong pagpapaunlad sa sarili para mapaghandaan mo ang iyong paglaya.

Huwag kang padalus-dalos sa pagpapasiya, tulad ng paglalayas mo sa sariling tahanan.

Kailangang irespeto mo ang iyong    magulang kung nag-asawa man siya uli.

Mayroong pagkakataon na ang akala ng iba ay wala na silang pag-asa sa buhay. Naaawa sa sarili. Pero talagang ganyan ang buhay. Puno ng pakikibaka.

Kapag nalampasan mo ito, saka mo mapagkukuro na ikaw pala ay maligaya. Dahil alam mo ang kaibahan ng kalungkutan kaysa kaligayahan.

Hope for the best.

Dr. Love

AKING

AKO

AKONG

ANNA MAE

CAMP SAMPAGUITA

DEAR GEORGE

DR. LOVE

GALIT

GEORGE CASINILLO

HUWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with