Dear Dr. Love,
For the past two years, I have been reading your popular column. First of all, I hope you are in the pink of health as you receive my letter.
Tawagin mo na lang akong Noel, may asawa at isang university professor. Bago lang akong nagtuturo dahil noong isang taon pa lang ako nakatapos sa aking kursong AB English. I was outstanding in my class kaya agad akong inalok ng pamantasan ng professorial chair.
Ang problema ko ay ang isa sa mga lady students ko na nagpapakita ng motibo sa akin. Maganda siya but I don’t think I love her.
Masyado siyang malagkit kung makatitig sa akin at hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagtuturo ko. Maski papaano, natitinag din ang machismo ko at natutuksong patusin ang babaeng ito.
Maski papaano, umiiral pa rin ang katinuan ng aking isip. Natatakot din ako na matsismis kami at matanggal ako sa trabaho ko. I’m teaching in a prestigious Catholic university and I would like to keep a good reputation.
Until very recently, tumanggap ako ng love letter sa kanya categorically saying that she loves me. What will I do to get rid of her na hindi naman siya masasaktan o maiinsulto?
Noel
Dear Noel,
Talk to her and tell her straight to her face to “stop” or you will report her to the dean. Kung minsan, may mga pagkakataon na ang tao’y dapat maging brutally frank. Sa ganyang mga situwasyon, hindi kailangang umiral ang diplomasya.
Ipakita mo ang pagka-propesor mo na dapat galangin ng estudyante. Just make the first step at makikita mo na titigil din siya.
Mahirap kasi kung magtitimpi ka sa iyong sarili dahil baka habang nagtatagal ang flirtation niya sa iyo ay tuluyan kang bumigay.
Hanga rin ako sa iyong katatagan. Panatilihin mo iyan. Marami diyan na kahit hindi pinagpapakitahan ng motibo ng estudyante ay nagsasamantala sa kanila.Inaalok pa yung mga hindi outstanding sa klase na bibigyan ng magandang grade kapalit ng you know what.
Dr. Love