^

Dr. Love

Sugar mommy

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay nagpapaabot ako sa iyo at sa ibang mga mambabasa ng iyong kolum ng mainit na pagbati. Sana’y nasa mabuting kalagayan ka sa pagtanggap mo ng sulat na ito.

Tawagin mo na lang akong Tintin. Hindi iyan ang totoo kong pangalan pero minarapat kong ikubli ang tunay kong identity.

Mayroon akong boyfriend. Dalawang buwan na kami. Pero napansin ko na laging siyang umuutang ng pera sa akin. Utang na walang bayaran.

Noong una’y hiniraman niya ako ng 1,000 pesos dahil kailangan daw ng gamot ng kanyang mother. Mahirap lang sila at may sakit daw ang kanyang ina.

Kapag kami’y lumalabas para kumain o manood ng sine, laging ako ang taya.

Dumalas ang pangungutang niya sa akin at madalas nga ay naso-short ako sa allowance na ipinadadala ng mga parents ko sa probinsiya.

Parang bumababa na ang tingin ko hindi lamang sa kanya kundi sa aking sarili dahil mistula akong gatasan. Ano ang gagawin ko?

Tintin

Dear Tintin,

Pambihirang lalaki iyan! Makipag-break ka na agad dahil ginagawa kang sugar mommy.

Ano ba ang ginawa mo at ganyan ang trato niya sa iyo? Marahil pinamihasa mo. Hangga’t maaga ay tapusin mo na ang relasyon sa lalaking iyan.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DALAWANG

DEAR TINTIN

DR. LOVE

DUMALAS

HANGGA

KAPAG

MAHIRAP

MAKIPAG

TINTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with