^

Dr. Love

Pinagsisisihan ko ito

-

Dear Dr. Love,

First of all, binabati kita at lahat ng iyong mga masusugid na tagasubaybay ng iyong very popular na kolum.

Palagi kong binabasa ang kolum mo at hindi kumpleto ang aking araw kung hindi kita nababasa.

Tawagin mo na lang akong Mitch, 23-anyos at may asawa. Labing-walong taon pa lang ako nang mag-asawa. Nakipagtanan ako sa aking boyfriend.

Nilabag ko ang gusto ng aking mga magulang at ngayon ay nagsisisi ako.

Palibhasa’y ka-age ko rin ang naging asawa ko, ngayon ay may kinalolokohan na siyang iba. Isang Nursing student ang girlfriend niya at ito’y nalaman ko sa isang kaibigan na kakilala ang babaeng ito.

Para akong dinaganan ng langit nang matuk­lasan ko ito. Minsan ay pinakialaman ko ang cell­phone niya at nabasa ko ang text ng babae. Sinasabing magkita raw sila sa isang retaurant.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Gusto kong kumonsulta sa aking mga magulang pero hindi ko magawa dahil sinabihan nila ako noon na huwag nang magpapakita pa sa kanila. Nagsisisi na ako sa ginawa kong pagsuway sa mga ma­gulang ko.

Buti na lang at wala kaming anak dahil mas malaking problema ang kanyang pagtataksil kung may anak kami. Ano ang gagawin ko?

Mitch

Dear Mitch,

Sa yugtong iyan ng iyong buhay, talagang wala kang madudulugan kundi ang iyong mga magulang.

Maaaring nasabi nila noon na huwag ka nang magpapakita sa kanila pero iyan ay bugso lamang ng kanilang galit sa iyo. Kahit ako ang iyong ama, talagang magagalit ako dahil sa pagtatanang ginawa mo.

Ngunit ang magulang ay magulang na ang damdamin ay nababagbag kapag nakikitang may mabigat na problema ang anak.

Huwag ka nang magdalawang-isip. Dumulog ka sa mga magulang mo at sa kanila ka umiyak.

Dr. Love


vuukle comment

AKO

ANO

BUTI

DEAR MITCH

DR. LOVE

DUMULOG

HUWAG

ISANG NURSING

KAHIT

LABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with