^

Dr. Love

Walang mapusuang lalaki

-

Dear Dr. Love,

Greetings to you. I really enjoy reading your love advice column dahil sa mga gintong aral na napupulot ko.

Ako po si Lorrie, 20-anyos at isang student taking up Commerce. Bata pa ako ay pangarap ko nang makatagpo ng lalaking guwapo, mayaman at mabait. Iyan ang aking criteria sa pagpili ng lalaki. Pero tila mabibigo ako dahil hangga ngayon ay wala pa akong nakikitang ganyang lalaki. Mayroong guwapo pero playboy naman at mayabang. Mayroong mabait ngunit hindi naman kanais-nais ang itsura.

Kung mag-boyfriend man ako ay hindi nagtatagal. Pinakamatagal na ang isang buwan and then dinidispatsa ko na dahil may mga hindi magandang ugaling nakikita ko.

Naiinggit ako sa mga friends ko na ang relationship sa kanilang mga siyota ay lasting. Ako wala pa talagang nagpapatibok sa puso ko.

Tulungan mo nga po ako, Dr. Love. I will appreciate your precious advice.

Lorrie

Dear Lorrie,

Ang problema mo’y masyado kang idealistic. Mapili at napakataas ng pamantayan mo sa lalaki. Kwidaw dahil may kasabihan ang mga matatanda na baka sa kapipili mo ay matapat ka sa bungi.

Sa pagpili ng lalaki, hindi importante ang itsura. Ang pinakamabuting criteria ay yung lalaking mahal mo at kaya kang buhayin kasama ang magiging anak ninyo at higit sa lahat ay faithful. Apparently, wala ka pang nakikitang lalaking ganyan.

Huwag kang mag-apura at baka hindi pa lang dumarating ang tamang lalaki para sa iyo.

Don’t engage into any relation just for the sake of it. Bago ka sumagot sa lalaki, siguruhin mo muna ang iyong damdamin.

Dr. Love

AKO

BATA

DEAR LORRIE

DR. LOVE

HUWAG

IYAN

KWIDAW

LALAKI

LORRIE

MAYROONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with