^

Dr. Love

Houseboy in-love sa anak ng amo

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Tawagin n’yo na lamang akong Narsing, 21-anyos at naglilingkod bilang houseboy dito sa Valenzuela City.

Tatlong taon na ako sa serbisyo at nang dumating ang anak ng boss ko na dalagang nag-aaral sa Amerika, tumibok-tibok agad ang puso ko.

Hindi ako makatulog dahil laman siya ng isip ko lagi. Hindi mo naitatanong, guwapo naman ako. Sabi nga nila, kahawig ko si Sam Milby. Kasi po, German ang tatay ko na simula sa pagkabata ko’y hindi ko nakita dahil iniwanan ang nanay ko nang ipagbuntis ako.

Napapansin ko rin na mabait sa akin ang anak ng boss ko na si Trixie. Lagi niya akong nginingitian pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya dahil masyadong slang.

Okay bang lumigaw ako sa kanya? Nahihiya kasi ako dahil katulong lang ako. Baka rin masamain ng amo ko kung magkakaroon kami ng relasyon. Ano’ng dapat kong gawin?

Narsing

Dear Narsing,

Sabagay, all is fair in love wika nga. Walang mahirap o mayaman, walang katulong o amo.

Kung kaya ng dibdib mong manligaw, karapatan mo iyan at gawin mo. Sabi nga ng Kano, go for it.

Hindi ko lang matiyak kung ano ang magiging reaksyon ni Trixie at ng kanyang mga magulang at kaanak kapag ginawa mo iyan. Kasi, hindi pa rin mawala sa kultura natin na ang mayaman ay para sa mayaman lang.

Kung ako ang nasa kalagayan mo, mangingimi sigurado ako. Pero walang masamang subukan mo at baka sakaling magtagumpay ka.

Good luck na lang sa iyo.

Dr. Love

AKO

AMERIKA

DEAR NARSING

DR. LOVE

KASI

NARSING

SABI

SAM MILBY

TRIXIE

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with