^

Dr. Love

Kursunada ng bayaw

-

Dear Dr. Love,

A very good and warm greetings to you. Reader ako ng Pilipino Star NGAYON sa nakalipas na tatlong taon at gusto kong malaman mo na paborito kong basahin ang iyong love column.

Nakakapulot ako ng mga gintong aral at gabay mula sa mga payo na ibinibigay mo sa mga taong may prob­lema sa pag-ibig.

Little did I realize that I will be among the many letter senders of your column. Ngayo’y naririto ako para hingin din ang iyong mahalagang payo. Tawagin mo na lang akong Celeste, 26-anyos. Ang problema ko ay tungkol sa bayaw ko na nagkakagusto sa akin.

Asawa siya ng nakatatanda kong kapatid. Nakatira kami sa iisang apartment kasama ang dalawa nilang anak. Galing kasi ako sa probinsya at nagkaroon ng trabaho sa Makati kaya nakipanuluyan ako sa kanila. Minsan na siyang nagtapat sa akin pero tahasan ko siyang tinanggihan at pinagsabihan ko pa ng walanghiya dahil hindi na niya inisip na sarili kong kapatid ang gusto niyang pagtaksilan at ako pa ang gagawin niyang dahilan ng pagtataksil niya.

Minsan nang kami lang dalawa sa bahay ay hinablot niya ako at hinalikan sa labi. Madiin at matagal. Nang makakuha ako ng buwelo ay pumalag ako at sinampal ko siya. Pero matapos iyon ay parang may kakaiba akong init na naramdaman. Pinipigil ko ang aking sarili dahil ayaw kong magkasala sa sarili kong kapatid. Ano ang dapat kong gawin?

Celeste

Dear Celeste,

Habang maaga, lumipat ka na ng tirahan. Hindi baleng magbayad ka ng upa basta’t malayo ka lang sa tukso. Habang nakapisan ka sa kanilang mag-asawa ay naririyan ang panganib na matukso ka at ang tanging paraan para makaiwas ay kusa kang lumayo.

Isipin mo na sarili mong kapatid ang pagtatraydoran mo kapag nahulug ka sa tukso. Ang consequence niyan ay kasusuklaman ka ng iyong kapatid at baka pati ang sarili mong mga kaanak ay mamuhi sa iyo.

At kung magiging makulit sa panliligaw sa iyo ang bayaw mo, makabubuting sabihin mo ito sa iyong ate para matapos na ang kabalbalan niya.

Dr. Love

AKO

ANO

ASAWA

DEAR CELESTE

DR. LOVE

HABANG

ISIPIN

KONG

MINSAN

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with