^

Dr. Love

May other family ang boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Hilda, isa sa mga masusugid mong tagasubaybay. Hangad kong sana’y matulungan mo ako sa mabigat kong problema. Mayroon akong boyfriend. Matagal kaming magkakilala bago siya nagtapat ng pag-ibig sa akin. Masyado kasi siyang magiliw at maalalahanin kaya hindi ko na pinatagal at sinagot ko siya.

Nagtagal ng tatlong buwan ang relasyon namin nang magbalak kaming magpakasal. All along, napakabuti niyang kasintahan at wala na akong hahanapin pa. Itinakda namin ang aming kasal sa Agosto ng taong ito.

Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na nakita raw ang boyfriend ko sa isang mall na may kaakbay na ibang babae. Kinabahan ako pero inisip kong baka malapit lang na kaibigan o kamag-anak ito. Siguro ito ang tinatawag na state of denial. Hindi ko ito matanggap sa sarili ko.

Pero hindi ako mapakali. Nang hindi na ako makatiis ay tinanong ko siya. Sabi ko, kung mahal niya ako’y maging tapat siya sa akin.

Natigilan siya at matagal bago nakasagot. Halos himatayin ako nang sabihin niya na ang babaeng yaon ay kanyang ka-live-in at mayroon silang isang anak. Pero ang sabi niya’y ako ang mahal niya at handa niyang hiwalayan ang babaeng yaon.

Dapat ko bang pakasalan ang ganitong uri ng lalaki? Naguguluhan ako kaya sana’y matulungan mo ako.

Hilda

 

Dear Hilda,

Kung ako ang tatanungin, dapat mo nang tapusin ang relasyon mo sa lalaking iyan dahil malaking sakit ng ulo ang papasukin mo.

Kahit hindi siya kasal, may panghabambuhay siyang pananagutan sa kanyang pamilyang iba dahil may anak siya. Darating ang araw na baka magkaroon ng conflict ang iyong magiging anak sa anak niya.

Isa pa, hindi siya naging tapat sa iyo sa simula pa lamang. Dapat sana’y isiniwalat niya sa iyo ang lahat tungkol sa kanya kung tapat ang layunin niya sa iyo.

Ang sa akin ay payo lang pero ikaw ang huling magdedesisyon kaya ang masasabi ko’y pag-isipan mong mabuti iyan.

Dr. Love

AGOSTO

AKO

DAPAT

DEAR HILDA

DR. LOVE

HANGAD

HILDA

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with