Dear Dr. Love,
A very pleasant day to you, Sir. Tawagin mo na lang akong Megan, 17-anyos. Sumulat ako dahil sa problema ko sa pag-ibig. Hindi ako gusto ng lalaking gustung-gusto ko.
Sa aking school, mayroon akong crush. Tawagin mo na lang siyang Roel. Isa siyang varsity basketball player at crush ng bayan. Hindi katakataka dahil matangkad siya, guwapo at sikat.
Talagang hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para mapansin niya. Hanggang sa inintroduce ako sa kanya ng isa kong kaibigan na pinsan pala niya. I was so happy at that moment nang magkakilala kami sa school canteen. Siya pa ang nan-libre sa snacks.
Pero nalaman ko na may girlfriend na pala siya. Masama ang loob ko nang umuwi ako. Lagi siyang nasa isip ko.
Ano kaya ang dapat kong gawin? Nagpi-pray ako na sana magka-break sila ng siyota niya. Pero six months na ang nakakaraan ay sweet pa rin sila.
Hindi tuloy ako maka-concentrate sa pag-aaral ko. Please tell me Dr. Love kung ano ang dapat kong gawin?
Megan
Dear Megan,
You are obviously infatuated and not necessarily in love. Normal iyan to persons of your age. Tulad ng sinabi mo, crush mo lang siya.
Darating ang araw na kapag naaalala mo ang mga nangyaring iyan sa iyo ay matatawa ka na lang.
In the meantime, huwag mong bayaang makaapekto sa pag-aaral mo ang sitwasyon. You must understand na hindi lahat ng bagay na gusto ng tao ay makukuha niya.
Try to be sensible and focus on your studies at darating sa tamang panahon ang lalaking mamahalin mo at magmamahal sa iyo.
Dr. Love