^

Dr. Love

Nagsisisi si Rita

-

Dear Dr. Love,

How are you Sir? Hope you’re in the best of health and without any problem as you read my letter.

Ako po si Rita, 17 years-old. School drop-out po ako at pinagsisisihan ko ito. Nakipag-live-in po kasi ako sa aking boyfriend at pinalayas ako ng mga magulang ko.

Estudyante rin ang boyfriend ko at nakatira kami sa kanila. Pero hindi naman sila mayaman at laging naaaburido ang kanyang nanay at pina­riringgan ako na parang wala akong silbi sa kani­lang bahay.

Ang boyfriend ko naman ay walang trabaho at natigil din ng pag-aaral. Mayroon silang maliit na tindahan at kaming dalawa ang nagbabantay.

Nagsisisi ako ngayon. Na-realize ko na walang kahihinatnan ang aming pagsasama. Limang buwan na kami at salamat na lang at hindi pa ako nabubuntis. Gusto kong tapusin na ang aming relasyon. Tama ba ito?

Rita

Dear Rita,

Totoo ang kasabihan na ang karanasan ay malupit na guro. Ibinibigay muna ang mahirap na pagsusulit bago ka matuto.

Sa kaso mo, kinailangan pang sumuot ka sa ganyang buhay bago mo malaman na mali pala ang ginawa mo na iyong pinagsisisihan.

Hindi na puwedeng burahin ang nangyari na pero maaari mong ireporma ang iyong buhay. Tama ang balak mo kung tatapusin mo na ang relasyon mo sa kinakasama mo ngayon.

Mag-usap kayo at magbalik ka sa iyong mga magulang at sabihin ang iyong matinding pagsisisi.

Dr. Love

AKO

DEAR RITA

DR. LOVE

ESTUDYANTE

IBINIBIGAY

LIMANG

MAYROON

NAGSISISI

NAKIPAG

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with