Solusyon sa problema ni Emma

Dear Dr. Love,

Una’y binabati kita at ang lahat ng iyong mga tagasubaybay. Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Magandang araw sa iyo Dr. Love. Nabasa ko ang sulat ni Emma na may petsang December 16 na may pamagat na “Malamig sa Sex.”

Ako’y labis na naaawa sa kanya. Lubhang napakabata pa niya upang danasin ang kawalan ng satisfaction sa pakikipagtalik sa kanyang asawa.

Makatutulong ako sa kanyang suliranin basta magpakatotoo lang siya at huwag mahihiya sa akin. Professional din ako katulad niya. Sana sa pamamagitan ng kolum mo ay mabasa niya ang sulat ko.

Basta kontakin lang niya ako sa cellphone number 0917-3992114.

Nagmamalasakit,

Alyas Gemma

Dear Gemma,

Hindi ko alam kung ano’ng klaseng tulong ang maibibigay mo kay Emma. I can only presume na isa kang psychologist o sex therapist. Sana nga ay makalutas ito sa kanyang problema sa halip na makasama.

Anyways, umaasa ako na mabibigyan mo ng kalutasan ang problema niya although naniniwala ako na talagang nangangailangan ng professional help, hindi lang ang babae kundi pati na ang kanyang asawa. May kasabihan kasing it takes two to tango. Sa pagsasayaw ng tango, kailangang parehong marunong ang nagsasayaw, otherwise pangit ang kalalabasan.

May mga espesyalista na puwedeng konsultahin ng mag-asawa sa ganyang uri ng problema. Ang kawalan ng satisfaction kasi ng babae o lalaki sa kanilang mga partners ay naiimpluwensiyahan ng sari-saring factors.

Puwedeng kapaguran sa trabaho o pagkabalisa o tension. Kung minsan naman ay baka nasa kanilang partner ang problema.

Kung makakatulong ka, sana’y mabasa ni Emma ang alok mong tulong at kontakin ka niya sa ibinigay mong numero.

Dr. Love

Show comments