Gay, na-in-love sa girl
Dear Dr. Love,
Nagpupugay ako sa iyo at sa lahat ng mga avid readers mo. Tawagin mo na lang akong Isko, 40- anyos at isang gay.
Hindi ako 100 percent bading tulad ng iba dahil bagamat nagkaka-crush ako sa kapwa ko lalaki, attracted din ako sa mga babae.
May nililigawan ako ngayon pero akala niya ay nagbibiro ako. Kasi naman, in my actions and mannerisms, masyado akong girlish. Hindi siya makapaniwalang seryoso ako.
May five months ko nang kilala at nililigawan si Nits at dahil palabiro talaga ako by nature, pati ba naman panliligaw ko’y inaakala niyang biro lang. In truth, talagang pangarap ko siyang maging mader ng aking magiging anak and I feel something for her talaga.
Gusto ko mang magbago sa aking ways, mahirap dahil old habits are hard to break. Gusto ko rin namang magkapamilya balang araw.
Ano ang gagawin ko para makumbinsi ang aking love interest na ako’y totoong in-love sa kanya?
Isko
Dear Isko,
Sa pagbasa mo sa kolum na ito, kumuha ka ng gunting, gupitin mo at ipadala mo sa kanya ang clippings para maniwala siyang seryoso ka sa panliligaw sa kanya.
I’m sure walang taong nagbibiro ang magpapalathala pa ng kanyang nararamdaman para sa isang babae, hindi ba?
Well, natutuwa ako sa iyo at sana’y mabingwit mo ang dalagang iyong pinipithaya.
Dr. Love
- Latest
- Trending