^

Dr. Love

Silahis

-

Dear Dr. Love,

Malugod akong bumabati sa inyo Dr. Love, sampu ng mga masusugid mong tagasubaybay. Harinawang nasa mabuti kayong kalusugan sa pagtanggap ninyo ng aking sulat.

Umaasa po ako na makatutulong ka sa pag­lutas ng problema kong tinataglay.

Tawagin mo na lang akong Rino, isang tina­tawag na silahis. May asawa po ako at hindi alam ng misis ko ang aking kalagayan.

College student pa lang ako nang maram­daman ko ang kakaiba kong damdamin. Kahit nag­ka­kagusto ako sa babae ay may pita akong tumi­kim ng kapwa ko lalaki.

Tatlong taon na kaming kasal ng misis ko hang­gang sa maramdaman kong muli na umiiral ang aking pagkasilahis. Supervisor ako sa kom­panyang pina­ pasukan ko at may bago akong em­ple­yado. Naging malapit ako sa kanya at itinuring ko siyang kaibigan. Pero hindi pa roon ang nara­ramdaman ko.

Pilit kong kinokontrol ang aking sarili alang-alang sa aking asawa at dalawang anak.

Nakatutulong nang malaki ang pagbubulay ko sa Word of God at panalangin. Pero naroroon pa rin ang kakatwa kong damdamin.

Ano ang dapat kong gawin para mawala ang ganitong damdamin?

Rino

Dear Rino,

Tama ang ginagawa mong pagbubulay sa Salita ng Diyos dahil iyan ang nagpapatatag ng ating pananampalataya upang supilin ang ating masa­mang pita. The Word of God is a lamp upon our feet. Liwanag na gumagabay sa atin kapag tayo ay nasa dilim.

Lahat naman ng tao ay may kani-kaniyang predisposition na magkasala ganap mang lalaki, bakla, babae o tomboy. Sabi nga sa Biblia, ituring mong kagalakan na sumailalim ka sa pagsubok dahil lalo kang nagiging matatag sa pananam­palataya.

Bakla man o tunay na lalaki, tomboy o tunay na babae ay may kani-kaniyang pagsubok na dina­ranas. Mga tuksong gumigiyagis sa kanila pero by God’s grace ay kanilang napaglalabanan. Tandaan mo, hindi ka bibigyan ng Diyos ng krus na hindi mo makakayanang pasanin.

Continue seeking God at manalig ka sa Kan­yang Salita. Dahil sa pag-ibig natin sa Diyos, walang ano mang tukso ang makapananaig sa ating buhay.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR RINO

DIYOS

DR. LOVE

PERO

RINO

SALITA

SHY

WORD OF GOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with