^

Dr. Love

Biktima ng child abuse

-

Dear Dr. Love,

My warmest greetings to all the staff of PSN. Kumusta ka na Dr. Love? I hope you’re in the best health condition.

Simply call me Rita. That’s not my real name pero diyan mo na lang ikubli ang pag­katao ko. Matagal na akong sumusubaybay sa kolum na Dr. Love.

Victim ako ng child abuse noong limang taong gulang pa lang ako. Single parent noon ang nanay ko at nagpasyang maki­pag-live-in sa isang lalaki na siyang nang-abuso sa akin.

Hanggang walong taong-gulang ako ay madalas akong pagbuhatan ng kamay ng aking stepfather. Hindi lang iyan ang nang­yari. Ni-rape pa ako ng aking stepfather at nang ito’y malaman ng nanay ko, siya na ang naghabla sa tatay ko na hangga nga­yo’y nakakulong pa.

Nagpapasalamat ako sa Diyos at naka­pag-aral ako at nagtapos ng Computer Sec­retarial dahil pinalad akong makakuha ng scho­larship. Ang problema ko ay takot akong magka-boyfriend dahil hindi na ako virgin. Maraming nanliligaw sa akin pero wala akong ibig sagutin dahil sa kalagayan ko.

Ano ang dapat kong gawin?

Rita

 

Dear Rita,

Kung may napupusuan ka sa mga man­liligaw mo, huwag kang matakot makipag­relasyon basta’t tiyakin mong hindi ka lang paglalaruan. Dapat maging matalino ka sa pagpili ng boyfriend.

Makabubuti rin na sa mapipili mong lala­ki, ipagtapat mo ang karanasan mo. Hindi mo kagustuhan na mawala ang iyong virgi­ni­ty kundi biktima ka lang ng malupit na pang­yayari.

I know mauunawaan ka ng lalaki kung mahal ka niyang talaga.

Dr. Love

AKO

ANO

COMPUTER SEC

DEAR RITA

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with