Dear Dr. Love,
It has been two years now since I became an avid reader of your column. Very interesting ang mga sulat na tinatanggap mo na may mga problema sa pag-ibig at admire ko rin ang mga payong ibinibigay mo sa kanila.
Little did I know that pretty soon, I’d be among the millions of letter senders. Umaasa ako na mabibigyan mo ako ng tumpak na payo sa aking problema.
Just call me Vina, 20 years-old and still single. May older sister ako na dalaga rin. Minsang isinama niya ang boyfriend niya sa bahay ay ipinakilala niya ito sa akin. Mukhang mabait at may itsura naman. Tipong madaling ibigin. Mali pala ang akala ko.
Napansin ko na mula noon, madalas siyang magpunta sa bahay kapag wala ang sister ko. Nagtatrabaho na kasi sa banko ang sister ko at ako’y estudyante pa. Alam niya kung anong oras akong nasa bahay.
Kunwari’y si Ate ang pakay niya, nun pala’y ibig dumiskarte sa akin. Marami siyang pahaging. Hanggang sa isang araw ay tinapat niya ako na type niya ako. Nagulat ako sa sinabi niya.
Aaminin ko na nung araw ay hanga ako sa kaniya. Pero ngayon ay naiinis na ako sa kanya dahil girlfriend niya ang ate ko tapos ibig akong patusin. How do I get rid of this guy na hindi naman ako magmumukhang bastos sa kanya?
Vina
Dear Vina,
First tell your sister about his misdemeanor. Kung ngayon pa lang ay ipinakikita na niya ang kasuwapangan sa babae, aba, dapat na siyang dispatsahin ng ate mo.
I assure you, that guy will not make a good lifetime partner for your ate.
Walang masama kung prangkahin mo siya dahil mali ang ginagawa niya. Hindi kabastusan ang suwayin ang gawang masama. Baka sa kakakunsinti mo sa kanyang mga diga ay akalain pa niyang kumakagat ka.
Dr. Love