Pag-ibig o relihiyon?

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana’y nasa maganda ka­yong kalusugan sa pagtanggap mo sa sulat ko. Tawagin mo na lang akong Nestor, 20-anyos.

Mayroon akong girlfriend. Just call her Myra. Mag-aanim na buwan na kami ngayon. Maligaya ka­mi sa umpisa hanggang sa lately, dumating ang problema.

Nagbago siya ng relihiyon. Kaya pala madalas ay sinasabihan niya ako ng mga talata sa Bible. Okay lang sa akin noong una. Pero nitong nakalipas na ilang araw, ibig niyang sumama ako sa kanyang dinadaluhan kapag Linggo.

Ayaw ko dahil sarado Katoliko ako. Nagbanta siya ng makikipag-break siya sa akin kung hindi ako magpapa-convert. Mahal ko ang girlfriend ko kaya nalilito ako ngayon.

Papayag ba ako sa gusto niyang magbago ako ng relihiyon? Tulungan n’yo po ako.

Nestor

 

Dear Nestor,

Ang pagbabago ng relihiyon ay isa lang ang dapat maging dahilan: Nangusap sa isang tao ang Diyos at nagkaroon ng conviction na mali ang kinaaaniban niyang pananampalataya kaya dapat siyang umanib sa tamang relihiyon.

Pero kung magpapalit ka ng relihiyon dahil ayaw mong makipagkalas sa iyo ang iyong girlfriend, ma­ling rason iyan. May iba namang nagbabago ng relihiyon para makapasok sa gusto nilang tra­baho o kaya’y makapag-abroad. Maling-mali rin iyan.

Nagrerelihiyon tayo dahil sa Diyos at dahil diyan, dapat maging matatag ang ating pananam­pala­taya. Hindi mo nasabi kung anong sekta ang ina­niban ng girlfriend mo. Magsuri ka muna. Mag­ba­sa ka ng Bible at bayaan mong ang Holy Spirit ang mangusap sa iyo. But never be influenced by any other reason other than God in the choice of your faith.

Dr. Love

Show comments