^

Dr. Love

Sugat sa puso

-

Dear Dr. Love,

Matagal na akong tagahanga ng iyong ma­la­­ganap na kolum na nagbibigay ng mga gin­­tong aral at inspirasyon sa mga taong may prob­lema sa pag-ibig.

Hindi ko akalaing mabibilang ako sa milyun-milyong sumusulat sa iyo para humingi ng payo. Tawagin mo na lang akong Marisa, 24-anyos at dalaga pa.

Dapat sana’y nag-asawa na ako noong isang taon because I was engaged to a man na minahal ko nang labis-labis. Pero malaking kahihiyan ang inabot ko dahil matapos mai­handa ang lahat, bigla siyang nagbago ng isip.

Handa na ang mga wedding invitations pati ang mga ninong, ninang at mga abay. Alam na ng lahat ng aking mga kaibigan at mga ka­mag-anak ang plano naming pagpapakasal.

Isang linggo bago ang aming takdang kasal ay tinawagan niya ako sa telepono. Sinabi ni­yang napikot daw siya ng isang babaeng na­buntis niya. Yun lang at ibinaba na niya ang tele­pono. Hindi ko nakuhang pagsalitaan siya ng masasakit sa ginawa niya. Hinimatay ako sa nangyari at isinugod ako sa pagamutan.

Ang masakit, naibigay ko na sa kanya ang aking pagkadalaga. Isang taon din kaming magkasintahan bago nagpasyang  magpaka­sal.  May nagpapayo sa akin na idemanda siya pero ayokong gawin dahil lalong malaking es­kan­dalo ang mangyayari. Ipinasya ko na lang na lumimot.

Hangga ngayo’y sariwa pa ang sugat na iniwan niya sa puso ko. At ayaw ko nang umi­big pa. Hindi naman sa naging man-hater ako pero talagang parang namatay na ang puso ko sa tawag ng pag-ibig.  Pagpayuhan mo ako Dr. Love kung paano mawawala ang sakit sa aking puso. Madalas akong hindi mapagka­tulog dahil naiisip ko ang kahihiyang dinanas ko.

Marisa

 

Dear Marisa,

Hindi pa nagtatagal sapul nang mangyari ang iyong kabiguan. Sariwa pa nga ang sugat sa puso mo pero  gagaling din iyan sa paglipas ng panahon. May kasabihan sa Ingles na “time heals all wounds.” Do not let time stand still da­hil lang sa kabiguan para maghilom ang iyong sugat.

Simply keep yourself busy. Hindi mo nabanggit kung nagtatrabaho ka o nag-aaral pa. In any case, keep yourself busy sa mga ba­gay na puwedeng makalibang sa iyo. Read good books pero iwasan muna ang mga love stories na magpapaalala sa iyo sa iyong mapait na karanasan.

Go out with friends and most of all, don’t forget to pray and read the Bible which can give you nuggets of wisdom and inspiration to overcome the bitter situation you’re in.

Dr. Love

AKO

DEAR MARISA

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with