In-love sa ‘tulay’
Dear Dr. Love,
Una sa lahat ay bayaan mong batiin muna kita kasama na ang mga magagaling mong staff sa PSN. Matagal na rin akong sumusubaybay sa Dr. Love. Sa totoo lang, PSN ang pahayagang binibili sa amin. Maliit pa akong bata ay PSN na ang aming diyaryo. Very wholesome kasi at walang kalaswaan. Puwedeng basahin kahit ng mga bata.Unahan pa kaming magkakapatid sa pagbasa nito.
My name is Verna, a second year college student in one of the popular universities in Metro
Sumulat ako dahil sa isang problema. In all my life, hindi pa ako talagang nai-in love kundi ngayon lang. In the past, marami na rin akong naging boyfriends pero hanggang salita lang. Nothing serious. I just wanted to be in sa mga kabarkada ko na palaging may ka-date kapag namamasyal kami.
Sa ngayon, I think I’m in love with a guy who doesn’t love me. Matagal ko nang crush ang lalaking ito na kaklase ko sa English subject.
Minsan ay in-approach niya ako. Kilig naman ako nang kausapin niya. Akala ko, simula na ito ng kanyang panliligaw.
Pero ang pakay pala niya ay upang mag-abot ng love letter mula sa isang kaklase namin na hindi ko naman type.
From then on, madalas akong kausapin ng crush ko pero not for himself but for that guy na nagpapalakad sa kanya.
Naiinis na ako pero hindi ko naman siya maprangka at baka sabihin niya ay suplada ako.
Ano ang gagawin ko Dr. Love?
Gumagalang,
Verna
Dear Verna,
Kung walang kursunada sa iyo yung crush mo, wala kang magagawa. Masama naman at pangit tingnan kung magpapakita ka ng motibo.
At kung wala kang gusto sa guy na inilalakad niya sa iyo, tapatin mo na siya na wala siyang maaasahan sa iyo.
Meanwhile, try to be good friends with your crush. Tutal lumapit na siya sa iyo bagamat for the wrong reason. Baka iyan ang maging simula ng pagkakaibigan na maaaring mauwi sa isang love affair hindi ba?
But be discreet at huwag mong ibenta sa kanya ang sarili mo sa pagpapakita ng motibo. Bababa ang tingin ng lalaki sa iyo kung magkagayon.
Dr. Love
- Latest
- Trending