Akala ko mag-m.u. na kami

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Tawagin mo na la­mang akong Albert. May kaibigan ako, si Tina. Naging very, very close kami. Magka­klase kami sa isang subject sa college.

Kapag may problema siya, dumadaing siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Madalas ka­ming lumalabas para kumain o manood ng sine.

Holding hands pa nga kami eh. May limang buwan na kaming ganyan. Hanggang sa min­sang nanood kami ng sine at tinangka ko siyang halikan sa labi. Sa ginawa kong iyon, sinam­pal niya ako at mabilis na umalis. Hiyang-hiya ako sa mga taong katabi namin kaya lumabas na rin ako.

Hindi ko maubos maisip kung bakit ginawa niya iyon.  Sa pakiramdam ko, hindi man ako por­mal na nag-propose sa kanya ay may una­waan na kami. Mutual unders­tanding, hindi ba?

Nang pumasok ako kinabukasan, hindi na niya ako kinikibo. Nang tangkain kong kausapin siya, sinabi niyang winasak ko ang pagkakaibigan namin. Humingi ako ng tawad sa kanya pero ayaw niya akong patawarin.

Pinadadalhan ko siya ng mga roses at chocolate pero ipinababalik niya. Magka­halong hiya sa sarili at hinanakit ang nada­rama ko ngayon. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang mangyari yon. Ano ang dapat kong gawin?

Albert

 

Dear Albert,

Mahirap magtiwala sa tinatawag na mutual understanding. It can always be miscons­trued. Kapag nagkahulihan na kayo ng loob ng isang babae, kailangan pa rin ang confirmation kung mahal ninyo ang isa’t isa. Hindi yung susung­ga­­ban mo na lang bigla ang babae sa pag-aa­kalang romanti­cally inclined siya sa’yo yun pala’y brotherly o sisterly love lang ang dam­damin niya.

Pagsikapan mo pa ring suyuin siya at baka sakaling mapatawad ka niya. Kung hindi, pa­sensiya ka na lang at humanap ng iba. Ganyan talaga ang buhay, parang life!

Dr. Love

 

Show comments