Siyota niya’y ex ng kanyang best friend
Dear Dr. Love,
A very pleasant day to you. I hope that you are in the best of health when you get my letter. I’ve been a follower of your column and I like the way you give advice to people with problems of the heart. I hope that you can help me with my problem. My name is Paul, 21 years-old. I’ll be direct to the point. Mayroon akong girlfriend ngayon. Magtu-two weeks pa lang kami.
Ang problema ko ay dati siyang girlfriend ng best friend ko. Since elementary, best friend ko na siya at hindi pa kami nag-aaway.
Ang babae ang unang nakipag-break sa best friend ko at may dalawang buwan na silang wala. Alam kong love na love ng kaibigan ko ang girlfriend ko. Naglasing nga siya nang mag-breakup sila. Up to now, wala pa siyang iba. Kapag tinatanong ko siya kung bakit, sabi niya’y hopeful pa rin siya na magkakabalikan sila. Nakokonsensiya tuloy ako.
Sikreto pa ang aming relasyon. Natatakot kasi ako na baka masira ang pagkakaibigan namin ng best friend ko kapag nalaman niya. Baka kasi isipin niya na ako ang dahilan kung bakit kinalasan siya ng dati niyang siyota.
Ano ang gagawin ko?
Paul
Dear Paul,
Be man enough to tell your best friend. Walang masama kung nakuha mo man ang dati niyang minamahal. Hindi ka naman nanulot. Naging girlfriend mo ang dati niyang siyota matapos ang halos dalawang buwan ng kanilang breakup.
Pero timbangin mo muna kung ano ang mahalaga sa iyo. Ang iyong friendship ba o ang relasyon mo sa girlfriend mo? If you truly love the girl, you have to face the consequence kung magagalit man sa iyo ang best friend mo. You cannot have the best of both worlds. Iba ang pagmamahal sa kaibigan at pag-ibig sa kasintahan. Gumawa ka ng evaluation sa iyong sarili. Are you willing to sacrifice a friendship which has lasted for many years in favor of a romantic affair with your girlfriend who happened to be your best friend’s ex? Pero marahil naman ay mauunawaan ka ng kaibigan mo.
Dr. Love
- Latest
- Trending