Poll officer hurt in Basilan blast

Dear Dr. Love,

Magandang araw po at mabuhay po ang pitak na ito para ibayo pa kayong makatulong sa lahat na may problemang dumudulog sa inyo.

Ako po ay sumulat dahil sa nais kong makipag­kaibigan kay Eliz, ang isa ninyong letter sender na ang liham ay nalathala sa pitak na ito noong Dis­yembre 28, 2006. (Paano Tatakasan ang Naka­raan).

Maaari rin po ninyong itago ang pangalan ko bilang Mr. Gemini ng Metro Manila. Maaari po bang mahingi ang tunay na pangalan ni Eliz, ang address niya sa bahay o ang kompanyang pinagta­traba­huhan niya, tel. number (landline o cellphone kaya).

Nais kong makipagkaibigan sa kanya at naniniwala akong malaki ang magagawa ko para malimot niya ang kanyang  nakaraan at sa naging dagok sa kanyang buhay.

Ako po ay binata, naglilingkod sa Ubasan ng Panginoon, Katoliko.

Kung interesado po si Eliz, maaaring lumiham siya sa address na ito: Nelso Datu, c/o Coats Manila Bay Inc., Bo. Tanong, New Marikina City.

Puwede rin siyang tumawag sa cell no. 0928-4043725.

Gumagalang,

Mr. Gemini ng Metro Manila

 

Dear Mr. Gemini,

Bagaman hiniling mong huwag nang ilathala ang liham mo, wala kaming paraan para maabot si Eliz dahil wala naman siyang ibinigay na address.

Ngayon, kung mababasa niya ang liham mo,  ma­aari siyang lumiham sa iyo o kaya’y tawagan ka.

Sorry kung nilabag ko ang pakiusap mo dahil nais lang pagbigyan ng pitak na ito ang iyong request at wala kaming daan para marating si Eliz kundi sa pamamaraang ito.

Good luck at sana’y mabasa ni Eliz ang liham mo at sana nga ay matulungan mo siyang maka­limot sa  kanyang nakaraan.

 

Dr. Love

 

 

Show comments