^

Dr. Love

Misis na tamad

-
Dear Dr. Love,
Bumabati ako sa iyo sampu ng iyong libu-libong mga tagasubaybay ng iyong malaganap na kolum. Tawagin mo na lang akong Bert. Nabasa ko ang sulat ng isang misis na pinoproblema ang asawang batugan. Baligtad naman ang sitwasyon ko.

Kunsumido ako sa aking misis dahil siya ay tamad at hindi maaasahan sa mga gawaing- bahay. Apat na taon na akong kasal sa kanya at may isa kaming anak.

Palibhasa kasi’y laki siya sa layaw. Mayaman ang pamilya niya at sunod ang luho sa mga magulang. May katulong sila noon na gumagawa ng lahat. Dahil tutol sa akin ang mga parents niya, nagtanan kami. Isinumpa siya ng kanyang mga magulang pero ako pa rin ang pinili niya. Akala ko’y magbabago siya pag ikinasal kami. Hindi pala.

Kapag pinupuna ko ang magulo naming bahay, nagagalit siya. Ikuha ko raw siya ng katulong. Kaso, maliit lang ang sahod ko at umuupa lang kami ng apartment. Wala na kaming kakainin kapag nagpasuweldo pa ng katulong.

Ano ang gagawin ko?
Bert


Dear Bert,


Nang ligawan mo ang misis mo, alam mo ang kanyang kalagayan. "Prinsesa." Hindi mo ba naisip na sa layo ng inyong agwat ay mararanasan mo ang dinaranas mong problema ngayon?

Inakala mo lang na magbabago siya ng ugali pero hindi nangyari. Puwes, matuto kang magpasensiya. Pagtiyagaan mong makuha siya sa diplomasya para magbago. Or else, magsumikap ka pa para umunlad ang inyong kabuhayan at ma-afford mong ikuha siya ng katulong.

Dr. Love

ANO

APAT

BALIGTAD

BERT

DEAR BERT

DR. LOVE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with