Ama ko, nasaan na?
April 18, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo at ganoon din sa lahat ng mga bumubuo ng inyong malaganap na pahayagan.
Isa po ako sa libu-libong tagasubaybay ng inyong pahayagan at pitak na Dr. Love.
Ako nga po pala si Agustin A. Abatay, 44 taong-gulang. Isa po akong anak sa pagkadalaga ng aking mahal na ina. Isinilang po ako noong Agosto 28, 1962 at matagal na panahong tiniis ng aking ina ang paglilihim sa akin kung mayroon pa akong ama.
Ang sabi ng aking ina, ang ama ko raw ay isang katulong o boy nina Lolo Vaning Ledesma doon po sa Quezon City.
Mayroon siyang isang anak na sikat na singer at siya raw po ang umawit ng Ako ay Pilipino.
Sana ay buhay pa sila at lalo na ang aking ama.
Sa edad kong ito, hinahanap ko ang tunay kong mga magulang.
Ang pangalan ng aking ina ay Catalina Palanas Abatay.
Lumiham po ako sa inyo sa pag-asang matulungan ninyo ako sa pagtunton sa kinaroroonan ng aking ama. Sana po, mabasa ito ng aking ama.
Ako po ay naninirahan sa Pandi, Bulacan. Puwede po akong ma-contact sa Pandi Caltex Station sa Pandi, Bulacan sa tel. blg. 6611613.
Marami pong salamat sa inyo at more power.
Gumagalang,
Agustin A. Abatay
J.P. Rizal St.,
Poblacion, Pandi, Bulacan
c/o Pandi Caltex Service Station
Dear Agustin,
Salamat sa liham mo at isa ring masaganang pangungumusta sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay.
Tunay na sa kabila ng matagal na pagkakawalay sa isang magulang na hindi nagisnan mula pagkabata, hangad ng isang anak na tulad mo na makita at madama ang pagmamahal ng isang ama.
Nirerespeto ng pitak na ito kung bakit mo hindi isinalaysay ang pangyayari kung bakit hindi nagkatuluyan ang mga magulang mo at kung bakit sila nagkalayo.
Sa pamamagitan ng liham na ito, sana ay matagpuan mo ang pinananabikang magulang. Huwag mong ihingi ng pasensiya ang kaayusan ng liham mo sa pagsasabing hindi ka nakatapos ng mataas na antas ng pag-aaral.
Ang mahalaga ay naipaabot mo ang layunin ng liham at ang matiim na pag-asang matutulungan ka ng pitak na ito sa PSN.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended