Niregaluhan ako ng Panginoong Jesus

Ang Salita ng Diyos na matatagpuan sa Mateo 6:33 ay nagsasabing: "Kapag uunahin natin ang paghahanap ng Kaharian at Katuwiran ng Diyos, ang lahat ng mga pangangailangan natin ay ipagkakaloob Niya."

Nangyari ito sa akin noong Disyembre nang inuna ko ang Kaharian ng Diyos. Sumama ako sa mga kapatiran ko sa Cainta papuntang Pakil, Laguna upang mag-minister sa mga kapatiran namin doon. Ang gawain sa Pakil ay isang outreach ministry ng CLSF (Christ, the Living Stone Fellowship) ng Cainta sa pangunguna ng aming pastor na si Gil Palero.

Noong una ay ayaw ko sanang sumama kasi may lalahukan akong marathon na sponsored ng Milo. Nagkataon na parehong araw (Linggo) ang marathon ng Milo at ang pagbisita sa Pakil. Pero, nang dumalo ako sa aming dawn prayer meeting, nangusap ang Panginoong Jesus sa akin na sumama ako sa Pakil kung kaya pagkatapos ng aming dawn prayer ay sinabi ko kay Kuya Gil na ako’y sasama sa Pakil.

Sa araw na yaon, medyo malakas ang hangin at ulan kung kaya nasa loob lang kami ng bahay ng kapatiran namin na siyang nangunguna sa gawain doon.

Naministeran namin ang mga kapatiran sa pamamagitan ng mensahe ng Diyos na ibinahagi ni Kuya Gil, pagpupuri at pagsamba sa pamamagitan ng mga awit at aming pagpipisan sa isa’t isa bilang mga kapatiran ng Panginoong Jesus. Pagkatapos, umuwi na kami at nakapasok pa ako sa trabaho kinabukasan.

Dumating ang araw ng aming Christmas Party. Kahit minsan ay hindi pa ako nananalo sa mga raffle. Pero ng araw na ito, tinawag ang aking pangalan at nanalo ako ng microwave oven at cash na siyang first prize.

Napailing ako dahil talagang totoo ang sinasabi sa Mateo 6:33.

Hindi lamang ito ang natanggap ko. Pati na ang Milo ay binigyan pa rin ako ng gift kahit hindi ako nakasali sa kanilang marathon na ginaganap dito sa Maynila. Purihin at Sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang Katapatan sa atin.

— Melvin Sarangay ng Cainta


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

Show comments