Bumabati ako sa iyo at sa milyon mong mga tagasubaybay. Sanay lagi kayong pinapatnubayan ng Diyos at malayo sa sakuna.
Tawagin mo na lang akong Zenaida. Hindi ko matiyak kung akoy babae o tomboy. Sa edad kong ito na 14-anyos, nagkaka-crush ako sa aking kapwa babae. Pero hindi ko ipinapahalata dahil ayokong malaman ng iba dahil nakakahiya, di ba? Sa kilos ko at galaw ay babaeng-babae ako. Humahanga rin ako at nagkaka-crush sa mga sikat na artistang lalaki. Pero bakit nagkagusto ako sa aking kaklase sa school?
Best friend ko siya at lagi kaming nagsi-share sa pagkain at sa homework ay nagtutulungan kami. Madalas din kaming magkasama sa pamamasyal tulad sa malls at sa panonood ng sine.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ayaw ko namang maging tomboy pero bakit ganito ang damdamin ko?
Anong gagawin ko?
Zenaida
Dear Zenaida,
Hindi ka tomboy dahil unang-una, ayaw mong maging ganyan. Kung mag-ayos ka at kumilos ay babaeng-babae ka ika mo. Therefore, tunay kang lahi ni Eba.
Ang nararamdaman mo sa iyong kaibigan ay purely special friendship na normal sa mga kabataang tulad mo. Pinagkakamalan mo lamang itong crush pero sa totoo lang, nasa stage ka na masyado mong pinapahalagahan ang pagkakaibigan to the point na pati siguro ibang kaibigan ay pagseselosan mo. Huwag kang mag-alala. Lilipas din ang stage na iyan.
Dr. Love