Amazing grace
January 26, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa libu-libong humahanga at umiidolo sa inyong maunlad na pahayagan at sa inyong column.
Lumiham po ako para ibahagi sa inyong pitak ang masaklap kong kahapon na siyang naging dahilan ng aking pagkabilanggo.
Mula po nang ako ay magkaisip, hindi ko na nagisnan ang aking mga magulang. Seven years-old pa lang ako ay nasa poder na ako ng aking tiyahin dahil namatay daw po sa aksidente ang aking mga magulang.
Hindi rin naman po ako nagtagal sa poder ng aking tiyahin at naglayas din ako dahil ginawa naman po nila akong parang alipin.
Hindi raw dapat na masayang ang ipinakakain nila sa akin at ginagastos sa pag-aaral.
Noong mga panahong yaon, naranasan ko talaga ang hirap at pagod.
Minsan po, ako ay hinimatay dahil sa gutom at nang mahimasmasan ako, nasa malinis na kama ako. Dinala po ako ng isang madre sa bahay ampunan.
Dito na ako inabot ng 16-anyos. Nahinto na ako ng pag-aaral pero napasok naman ako ng trabaho sa isang gun store.
Kahit maliit ang sahod, may pambili na ako ng aking pangangailangan. Dito ko nakilala ang babaeng minahal ko nang lubos at tawagin na lang natin siyang "Grace."
Nagkagaanan kami ng loob ni Grace hanggang sa nagtapat ako ng pag-ibig at mapalad namang tinanggap niya ang aking pagmamahal.
Humabi kami ng mga pangarap ni Grace. Nangarap kaming mag-ipon ng pera para maipagpatuloy namin ang pag-aaral.
Pero hindi na natupad ang pangarap na ito.
Minsan, dumalaw ako sa bahay nina Grace. Nagulat na lang ako nang makita ko ang kanyang ina na nakahandusay malapit sa pintuan at naliligo sa sariling dugo.
Hinanap ko si Grace at nakita ko rin siya sa isang silid na duguan din.
Dinala ko sa ospital si Grace pero hindi na kami nakaabot sa pagamutan na buhay ang aking mahal. Pero naipagtapat niya sa akin na ang may kagagawan ng buong pangyayari ay isang anak ng barangay captain.
Matapos mailibing si Grace at ang kanyang ina, ipinagtapat ko sa NBI ang sinabi sa akin ni Grace. Hinuli ang salarin pero hindi nagtagal at pinalaya rin ito dahil walang testigo sa insidente.
Bumalik ako sa aking trabaho pero nagulat na lang ako nang sugurin ako roon ng mga salarin at sinabi na sila raw ang may kagagawan ng pagpatay sa mahal kong si Grace.
Nagdilim ang aking paningin. Agad akong nakadampot ng isang baril at pinagbabaril ko po ang tatlong salarin. Napatay ko ang dalawa at agaw-buhay ang isa pero sa kabutihang-palad, hindi siya nasawi.
Hindi po ako tumakas at agad kong isinuko ang aking sarili sa may kapangyarihan.
Sinampahan ako ng kasong illegal possession of firearms, murder and frustrated murder.
Habambuhay ang sentensiya sa akin. Pero dahil sa magandang record, isa ako sa mga nakatakdang palayain sa 2009.
Sana po ay magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para maibsan ang aking kalungkutan.
Maraming salamat po at more power to you.
Gumagalang,
Dave Ampatuan
Maximum Compound,
Dapecol, Panabo,
Davao del Norte 8105
Dear Dave,
Salamat sa liham mo at inaasahan ng pitak na ito na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo sa sandaling makalaya ka na sa piitan.
Tunay na naging inspirasyon mo ang nasira mong kasintahan kayat nagkaroon ng kaunting aberya ang buhay mo. Hindi ka naman nakalimutan ng Panginoon para lumabas ang katotohanan na hindi ka ganap na isang masamang tao.
Huwag mo na lang uulitin ang pagiging "impulsive" dahil ang pabigla-biglang desisyon at aksiyon ay may malilikhang pagsisisi sa dakong huli.
Panatilihin mo ang tiwala sa lipunan, hustisya at higit sa lahat, sa Dakilang Maykapal na hindi nagpapabaya sa may mabuting kalooban.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended