^

Dr. Love

Ang Pagbabago ng Pilipinas

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Sinabi ni Propeta Abu Bako, ekonomista ng Ghana, Africa, na nakita niya sa pangitain na binago ng Diyos ang Pilipinas. May gagawin daw ang Diyos sa loob lamang ng siyam na buwan upang ang pagpapabagong ito ay matupad. Pagdating ng dalawa at kalahating taon, ang bansa ay lubusang mababago at ang mga tao ay magtataka na lamang kung paano ito nangyari.

Pagdating ng ikalimang taon, ito ay titingalain ng ibang mga bansa sa buong mundo dahil sa pagbabago mula sa pag-uugali ng mga Filipino, pulitika, ekonomiya, kasaganaan at kapayapaan.

Sabi ni Propeta Bako na ang pagbabago sa Pilipinas ay magsisimula sa mga tunay na anak ng Diyos. Sila ang mag-iimpluwensiya sa lahat ng mga mamamayan saan mang dako.

Nakita rin sa pangitain ni Propeta Bako ang mga kalamidad at mga masasamang kaganapan na paghuhusga ng Diyos dahil na rin sa kasalanan at kasamaan ng mga tao.

Ayon pa kay Propeta Bako, babaguhin ng Diyos ang puso at buhay ng Kanyang tunay na mga anak upang makasunod sila sa mga utos, batas at alituntunin Niya para sa totoong pagbabago sa Pilipinas.

Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo sa gagawin Niyang pagbabago ng bansa.

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

vuukle comment

AYON

CAINTA

DIYOS

KANYANG

PAGDATING

PANGINOONG JESU-CRISTO

PILIPINAS

PROPETA ABU BAKO

PROPETA BAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with