Sa edad kong 24, wala pa akong nagiging siyota. Marami akong niligawan pero wala ni isa ang napasagot ko. Ang dahilan, hindi ako guwapo. Tawagin mo na lang akong Mr. Hopeless
Pandak ako sa height na 51, mataba at maraming tigidig. Kung minsan parang gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Ang mga kaibigan koy kay gaganda ng mga girlfriend samantalang akoy tatanga-tanga sa mga gimikan. Wala akong naaakbayan at nayayakap gaya nila.
Sa eskuwela ay matataas ang grades ko. Diyan ko na lang ibinubuhos ang aking oras. Sa pag-aaral.
Paano lalakas ang aking appeal?
Hopeless
Dear Mr. Hopeless,
Kung mag-oobserba ka sa paligid, maraming pangit pa sa iyo ang may girlfriend o asawang maganda. Minsan, itatanong mo sa iyong sarili, ano kaya ang nakita ng babaeng ito sa kasama niyang lalaki na ubod ng pangit?
Hindi sa pisikal na anyo nagkakatalo, iyan ang tandaan mo. Mas mahalaga ay ang kagandahang loob. Iyan ang bagay na ipakita mo at naniniwala akong may magkakagusto sa iyo.
Dont entertain the thought of killing yourself dahil mas malaking problema ang papasukin mo. Sabi moy maganda ang performance mo sa school. Keep it up. Iyan ang pinakamaganda mong asset.
Kung minsan, hindi ibinibigay ng Diyos ang lahat ng magagandang katangian sa iisang tao. Pero hindi nangangahulugan na wala kang magandang katangian.
Dr. Love