Naghalong parang bula si Vanessa
December 5, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isang masaganang pagbati sa inyo at sa lahat ng inyong mga kasamahan sa PSN.
Sumulat po ako upang humingi ng tulong at mahalaga ninyong payo dahil lubos ang tiwala ko sa inyong kakayahang humimay ng mga isyu at dahil na rin sa marami na kayong natulungan na iba kong mga kasamahan dito sa bilangguan.
Nandito po ako ngayon sa pambansang piitan para pagdusahan ang siyam na taong sentensiya sa akin sa kasong homicide.
Mahirap man at masakit na tanggapin, nakulong ako sa pagtatanggol sa kapwang inaapi at ang tinutukoy ko ay si Vanessa na siyang dahilan kung bakit ako nagdurusa ngayon.
Noon po ay 1999, January 15. Kami ni Vanessa ay kapwa nagtatrabaho ng panggabi sa isang burger stand sa Cavite.
Dahil partner ko siya sa trabaho, malapit kami sa isat isa.
Dakong ala-una ng madaling-araw noon nang may dalawang customer na dumating.
Noong una, ang akala ko ay mag-jowa ang dalawa dahil ang isa ay mukhang bakla.
Umorder kaagad sila at nagbayad pero P500 ang pera at wala kaming panukli.
Napilitan akong pumunta sa kanto ng Olivarez na medyo may kalayuan sa aming puwesto para magpapalit.
Iniwan ko si Vanessa sa pag-aakalang hindi naman siya gagalawin ng naiwang dalawang customer.
Nagulat ako nang sa pagbabalik ko, ang inaakala kong asawa ni bakla ang siyang nakatao sa puwesto.
Mabilis akong pumasok at hindi ko inaasahang maabutan si Vanessa na nakagapos at pinagsasamantalahan ng inaakala kong bakla.
Walang sabi-sabi kong inundayan ng saksak si bakla at napuruhan ko ito na siya niyang ikinamatay.
Iyong kasama niya, mabilis na nakatakas.
Ipinagtanggol ko lang naman si Vanessa. Kaya naging masakit ang aking pagtanggap nang damputin ako at ikinulong sa salang pagtatanggol sa isang inaapi.
Ang higit na masakit nito, naglahong parang bula si Vanessa at walang tumestigo para sa akin.
Malaki ang maitutulong mo sa akin, Dr. Love. Baka sa pamamagitan ng column na ito, mabasa ni Vanessa ang liham ko at makonsiyensiya siya.
Alam kong nagtatago si Vanessa dahil sa kahihiyang kanyang sinapit.
Buong buhay ko ang nasira at ultimong mga magulang ko at kapatid ay kinalimutan na ako. Pati mga kaibigan ko ay tila nawalan na ng tiwala sa akin.
Umaasa ako at nagpapasalamat sa inyong magandang kalooban at naway sa pamamagitan ng liham kong ito, makamtan ko ang katarungan na matagal kong nais makamit.
Truly yours,
Boyet Cruz
2 Dormitory 226
MSC, Camp Sampaguita,
1776 Muntinlupa City
Dear Boyet,
Kung minsan, nakakadala ngang tumulong sa ibang tao lalot tulad sa kaso mo na ikaw pa ang nagdurusa.
Maaaring naduwag lang si Vanessa na lumabas sa pangambang sa kanya mabaling ang galit ng pamilya ng iyong napatay na tao.
Sana nga, makonsiyensiya si Vanessa at suklian niya ang pagtulong na ginawa mo sa kanya.
Tulad mo, inaasahan nating mababasa niya ang liham mo para siya ay tumestigo sa apelang maaaring isampa sa iyong kaso para mapababa ang sentensiya mo kundi man mapawalang sala.
Hangad ng pitak na ito na makamit mo ang katarungang ninanais.
Pero kung minsan din, mabagal ang paggulong ng katarungan pero lalabas din naman ang katotohanan lalo nat sa isang taong may magandang kalooban.
Huwag kang mawalan ng tiwala sa kapwa at ipagpatuloy mo ang pagdalangin na sana magbago ng loob si Vanessa at suklian niya ang kabutihan mo sa kanya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended