Ayaw magladlad
November 11, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Joseph, 22-anyos at isang college student. Ang tawag sa akin ng mga coeds ay isnabero. Lagi kasing subsob ang ulo ko sa libro kahit breaktime at no-pansin sa akin ang mga babae.
Guwapo ako at hinahabol ng mga babae. Ang problema, kahit gaano sila kaganda, wala akong magustuhan. Ang tipo ko kasi ay mga lalaking kagaya ko. Akoy isang bading.
Aaminin ko na wala pa akong karanasan sa pakikipagrelasyon sa lalaki. Noong high school ako, sinubukan kong mag-girlfriend. Hindi nagtagal ang aming relasyon dahil sa loob-loob koy nandidiri ako.
Ayaw kong ilantad ang tunay kong pagkatao. Debotong Katoliko ang aking pamilya at sa ganyang kultura ako namulat.
Akoy na-aatract sa kapwa ko lalaki pero nagtitimpi na lang ako. Kung minsan, naiisip ko na mag-pari na lang para may dahilan akong ikubli ang tunay kong pagkatao.Tama ba ang ginagawa ko?
Joseph
Dear Joseph,
Ang pagpapari ay bokasyon. Sabi nga ng mga Katoliko, "calling mula sa Diyos."
Hindi ito dapat gamitin upang takasan ang anumang bagay o sitwasyon. Be prayerful about your situation at humingi ng gabay ng Panginoong Diyos. Im sure na kung talagang may bokasyon ka sa pagpapari, ipakikita iyan sa iyo ng Panginoon.
Tungkol sa iyong pagkatao, hindi kasalanan na maging isang bakla. Ang kasalanan ay ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae.
Tama ang ginagawa mong pagtitimpi pero dagdagan mo ng panalangin at pagninilay sa mga Salita ng Diyos para makita mo ang katotohanang magpapalaya sa iyo sa iyong kalagayan ngayon.
Marami akong kakilala na binago ng Salita ng Diyos. Mga dating bakla na dahil sa pagbabasa ng Bibliya at pagsasabuhay sa aral nito ay ganap na binago.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended