^

Dr. Love

Lahat posible sa Diyos!

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Sinabihan na ako ng doktor na tumitingin sa aking asawa na less na ang chances na mabubuhay pa siya. Humihina na siya dahil kaunti na lamang ang dugo na dumadaloy sa ugat niya patungong puso dahil sa bara ng toxins.

Nakatakda siyang operahan sa puso noong nakaraang linggo at natuloy din ang operasyon niya noong Huwebes ng gabi.

Umabot sa 13 oras ang operasyon ng aking asawa at naging unconscious siya sa loob ng siyam na oras. Beinte-kuwatro oras siyang tulog habang nakaratay siya sa kanyang higaan.

Sinabi ng doktor na baka hindi na raw magigising ang aking asawa at tuluyan na siyang ma-coma at magkaroon ng tama ang utak dahil sa matatapang na gamot na inilagay sa kanyang katawan.

Lahat sa mga sinabi ng doktor ay nakabatay sa obserbasyon at scientific findings pero hindi ko ito tinanggap dahil ang final arbiter ay ang Panginoong Jesu-Cristo. Ito ang ipinayo sa akin ng pamangkin ko na isang born-again Christian. Siya at ang kanyang asawa ay nanalangin. Tinawagan din nila ang kanilang mga kasama sa simbahan na magdasal para mailigtas ang aking asawa.

Totoo nga ang sinabi ng aking pamangkin.

Nabuhay ang aking asawa at sa kasalukuyan ay nagpapalakas na lamang siya. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo dahil binuhay Niya pa ang aking asawa at ang mga sinabi ng doctor laban sa kanya ay hindi nagkatotoo.

Ate Winona ng Butuan City
* * *
Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.

vuukle comment

AKING

ASAWA

ATE WINONA

BEINTE

BUTUAN CITY

CAINTA

HUMIHINA

HUWEBES

PANGINOONG JESU-CRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with