Di makapag-asawa dahil sa pamilya
July 1, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love
Bumabati ako sa iyo at sa iyong libu-libong tagasubaybay ng isang pinagpalang araw. Tawagin mo na lang akong Cita, 25-anyos at may kasintahan. Tawagin mo na lang siyang Bros. Umaasa akong makatutulong ka sa mabigat kong problema dahil dito nakasalalay ang personal kong kinabukasan at kaligayahan.
Limang taon ko nang kasintahan si Bros at matagal na rin siyang nag-aayang magpakasal na kami. Mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko siya mapagbigyan dahil bilang panganay na anak sa aming tatlong magkakapatid, ako ang pinakasandalan ng aking pamilya. Magkasamang naaksidente sa banggaan ng sasakyan ang aking ama at ina at pareho silang baldado. Ako lang ang nagtatrabaho dahil pareho pang nag-aaral sa kolehiyo ang dalawa kong kapatid.
Kung mag-aasawa ako, hindi ko na mapag-aaral ang aking mga kapatid at baka mahirapan na akong tustusan ang pangangailangan ng aking mga magulang.
Nagbanta ang boyfriend ko na makikipag-break siya sa akin kapag hindi pa ako nagdesisyong pakasal sa taong ito. Ano ang gagawin ko?
Cita
Dear Cita,
Marami ang may ganyang problema. Para sa akin, prayoridad mo ang iyong pamilya dahil wala silang ibang maaasahan. Kung papayag ang boyfriend mo na ipagpatuloy mo ang pagsustento sa iyong mga magulang at kapatid kahit kasal na kayo ay mainam sana.
Pero kung ayaw niya, hindi mo naman tatalikuran ang iyong responsibilidad. Mabuti rin kung mahimok mo ang iyong mga kapatid na mag-working student para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kalagayan ninyo ngayon, kailangang kayoy magtulungan.
Kung mahal ka ng boyfriend mo, dapat niyang maunawaan ang iyong kalagayan at damayan ka niya. Ang problema mo ay kailangang problemahin din niya. Kung mahal ka niya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended