^

Dr. Love

Hindi ipinagkakait ng Diyos ang pagpapala

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Danny Junco -
Simula nang tanggapin naming mag-asawa si Jesus bilang sariling Panginoon at Tagapagligtas, talagang naranasan namin ang tunay na pagbabago at pagpapala sa aming buhay. Kagaya ko. Dati akong palamura. Walang isang pangungusap na hindi ako nagmumura. Talagang ganoon na ang bibig ko. Para bagang panghaw ng pagmumura.

Subalit nang gawin ko si Jesu-Cristo na aking Panginoon, Diyos at Tagapagligtas, kahit kailan ay hindi na ako nagmura. Dahil sa pagbabago kong ito, napansin ako ng aking mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan. Dahil dito, ang aking mga kapatid, mga magulang at iilang mga kaibigan ay naakay ko sa Panginoong Jesus. Ngayon, sila man ay binago ng Panginoong Jesus kagaya ko.

Nabanggit ko ito dahil napatunayan ko na totoo ang mga Salita ng Diyos o Biblia. Sinasabi sa Salmo 84:11 na hindi pinagkakaitan ng Diyos ang mga anak Niya na lumalakad sa kabanalan o katwiran. Isa sa maraming patotoo ko na ginawa ng Diyos sa buhay naming mag-asawa ay ang aming pangalawang anak na si Dan Joseph.

Siya ay 4th year high school sa isang paaralan sa Marikina. Kailan lamang, siya ay nagpunta sa Madison University, Virginia, USA para lumahok sa paligsahan na sinasalihan ng iba’t ibang mga paaralan sa ating bansa at sa ibang bansa.

Tinugon ng Diyos ang aming panalangin na siya ay hindi mapahiya sa paligsahang ito. Nanalo si Dan ng 1st prize sa clown act, 3rd sa chess, 4th sa radio program at 11th sa science reporting (engineering). Sa dinami-dami ng mga participants, isa siya sa mga nagwagi.

Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo at hindi Niya talaga ipinagkait ang mga mabubuting bagay sa Kanyang mga anak na lumalakad sa kabanalan at katwiran. Totoo ang Kanyang Salita at kahit kailan ay hindi pa Niya kami binigo. Purihin at sambahin Siya dahil Siya lamang ang ating tanging Pag-asa.

Kuya Gil ng Cainta
* * *
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

CAINTA

DAHIL

DAN JOSEPH

DIYOS

KANYANG SALITA

KUYA GIL

NIYA

PANGINOONG JESUS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with