^

Dr. Love

3 anak sa iba-ibang tatay

-
Dear Dr. Love,

Sana’y mabigyang daan mo sa iyong malaganap na kolum ang aking sulat. Tawagin mo na lang akong Jean, 27-anyos at hiwalay sa asawa.

May anak akong anim na taong gulang sa asawa ko at nasundan ng isa pa sa dati kong boyfriend.

Ngayo’y buntis na naman ako sa ibang lalaki. Magtatatlo na ang anak ko at iba-iba ang ama.

Isa lamang akong adopted child at minahal naman ako ng aking mga nakilalang magulang. Pinag-aral ako pero hindi ako nakapagtapos dahil sa nalulong ako sa pakikibarkada.

Ang dalawa kong anak ay nasa pag-iingat ng mga nakilala kong magulang. Nang malaman nilang buntis ako, pinagsabihan ako na huwag ko nang ibibigay sa kanila ang isisilang kong bata.

Masakit ang salita nila sa akin. Dinungisan ko raw ang kanilang pangalan.

Ang boyfriend ko sa ngayon ay walang trabaho at hindi namin malaman kung ano ang gagawin kapag isinilang ko ang aming baby. Ano ang gagawin ko? Tama bang itakwil ako ng aking mga magulang?

Jean


Dear Jean,


Itinuring ka nilang tunay na anak, binigyan ng pagkakataong makapag-aral pero ikaw ang nagpabaya dahil sa barkada. Nagkaanak ka ng dalawa at may forthcoming pa, at ang ama nila’y iba-ibang lalaki.

Obvious ba na ikaw ang naligaw ng landas? Hindi nagkulang ang mga magulang mo. Kung may nagkulang man, ito ay walang iba kundi ikaw. Sinayang mo ang tsansang ipinagkaloob sa iyo.

Kung mag-aanak ka nang mag-aanak para gawing pabigat sa mga umampon sa iyo, para mo silang ginagago. Ako man ang magulang mo, hindi ko ito matatanggap. Matanda ka na at dapat ikaw na ang magtuwid sa sarili mong landas.

Kung wala kang trabaho, magtrabaho ka para matustusan mo ang isisilang mong anak, pati na yung ibang naging anak mo.

Mas mabuti kung pananagutan ng boyfriend mo ang iyong magiging anak. Kung hindi, magsariling sikap ka sa pagtataguyod ng iyong pamilya bilang single parent.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANAK

ANO

DEAR JEAN

DINUNGISAN

DR. LOVE

ISA

ITINURING

KUNG

MAGTATATLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with