Latak ng malayang lipunan
February 24, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong pangungumusta at mainit na pagbati sa inyo at sa lahat ninyong kasamahan sa PSN.
Lumiham po ako sa hangad na maibahagi sa iba ang karanasan ko sa buhay ng isang tulad ko na binabansagang "latak ng lipunan".
Ako po ay si Reynaldo Lindo, 34 years-old, walang asawa at lumaki sa Lipa City.
Ako po ay anak sa pagkadalaga ng aking ina at ang aking ina ay muling nag-asawa noong siyam na taong-gulang pa lang ako.
Mabait at mapagmahal ang pangalawa kong ama. Ang akala ko noon, hindi na magbabago ang ugali niyang ito pero unti-unting nawala ang kanyang pagmamahal sa akin nang magkaroon na sila ng anak.
Sa kabila nito, naunawaan ko naman siya dahil hindi ko naman siya kadugo. Habang tumatagal ang pagsasama namin sa ilalim ng isang bubong, palagi na siyang naglalasing at inaaway ang ina ko. Pati ako ay idinadamay niya sa problema. Sinasabi niya na malas daw ako sa buhay.
Nang lumaon, hindi ko na nakayanan ang kanyang ugali. Tumigil na rin ako sa pag-aaral dahil naaawa ako sa aking nanay.
Ang ina ko ay isang labandera, masakit pa nito, kapag natatalo sa sugal ang ama-amahan ko kinukuha pa niya ang pera ng ina ko.
Dahil dito, naisipan kong umalis sa aming lugar noong akoy 12-anyos.
Lumuwas ako sa Maynila. Dahil wala akong alam na matutuluyan, sa tabi na lang ng kalsada ako natutulog.
Tumagal ng dalawang buwan akong pagala-gala hanggang sa may nagmagandang-loob na kumupkop sa akin na nakilala ko sa pangalang Nixon.
Dinala niya ako sa kanilang lalawigan sa Cagayan. Pinangakuan ako ng mga magulang ni Kuya Nixon na pag-aaralin daw ako.
Kapag wala akong pasok, nagtitinda ako ng kakanin hanggang sa makaipon. Naisipan kong bumalik sa Batangas para dalawin si Nanay at dalawang kapatid.
Pinayagan naman ako ni Kuya Nixon.
Pagdating ko sa aming probinsiya, niyakap ako ng aking ina na tuwang-tuwa. Gayundin ang dalawa kong kapatid.
Noong gabing yaon, habang natutulog na ako, bigla akong naalimpungatan sa pag-aaway ng aking ina at ama-amahan. Nagalit ang aking amain dahil sa pagbabalik ko.
Umawat ako sa kanilang pag-aaway na lalong ikinagalit ng aking amain sa aking ina.
Pero patuloy pa ang away nila hanggang sa nakita kong binubugbog niya ang aking ina.
Sa pagdidilim ng aking paningin, nahagip ko ang isang itak at pinagtataga ko sa katawan ang aking amain.
Ito ang dahilan ng aking pagkakakulong.
Limang taon na po ako dito. Sa panahong yaon, marami na rin akong natutuhang kabutihan.
Sana po, ang kuwento ng buhay ko ay kapulutan ng aral ng inyong mga mambabasa. Sana ay hindi nila ako tularan sa nagawang kasalanan.
Salamat po sa pagbibigay ninyo.
Gumagalang,
Reynaldo Lindo
Dear Reynaldo,
Sa kabila ng mga ulap, may liwanag. Sana ito ang magsilbing gabay mo sa buhay.
Sa nagawa mong pagkakasala, na pinagsisihan mo naman, sana ay may liwanag ka nang nababanaagan sa ngayon.
Patuloy mong ipakita ang kabutihang asal sa loob, at huwag mong ituring ang sarili mo na isang latak ng lipunan.
Nagawa mo ang pagkakasala sa pagtatanggol sa iyong ina. Ang palagay mo sa sarili, aping-api ka na. Sa uulitin, huwag mong initan ang ulo mo. Magpakahinahon ka at bago ka gumawa ng anumang masamang aksiyon, pakaisipin mong mabuti ang gagawin mo.
Ipagpatuloy mo ang pagbabago at samahan mo ito ng dasal para lalong lumakas ang kalooban mong maharap ang lahat na pagsubok sa buhay.
Good luck to you.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended