Nagsisisi
January 10, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sanay punung-puno ng biyaya ang taong ito para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Tawagin mo na lang akong Anselmo at dalawang taon na akong hiwalay sa asawa.
Balita koy may boyfriend na ang misis ko pero hindi pa sila nagsasama. Kung nagkahiwalay kami, ako ang may kasalanan. Nahumaling ako sa isang GRO. Magsilbi nawang leksyon ito sa ibang kalalakihan. Huwag paaakit sa kagandahan ng ibang babae dahil walang ibang magmamahal nang tapat sa inyo kundi ang inyong tunay na asawa.
Iniwanan ko rin ang kinasama kong babae dahil natuklasan akong pinagtataksilan din niya ako. Itoy sa kabila nang ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kanyang luho sa abot ng aking makakaya.
Ngayon ko napagtanto na uliran ang aking asawa. Tawagin mo na lang siyang Estel. Mayroon kaming isang anak nang akoy umalis para sumama sa iba. Mahigit pa lamang isang taon ang bata noon. Naging masungit ako kay Estel sa kabila nang kanyang pagiging uliran. Ako kasi ang humanap ng daan para magkahiwalay kami dahil sa aking pagkahumaling sa isang taksil.
Si Estel ang nag-aasikaso sa lahat ng gawain sa bahay pati na ang pag-aalaga sa bata. Hindi ko nakita noon ang magandang katangian niyang ito. Ang nakita ko lang ay ang hindi niya pag-aayos sa sarili tuwing darating ako mula sa opisina. Iyan ang ginawa kong dahilan para siyay layuan ko.
Ngayoy natutuhan ko na hindi mo matatanto ang halaga ng isang bagay hanggat hindi ito nawawala sa iyo. Pinagsisisihan ko ang lahat. Gusto ko siyang balikan pero baka wala na siyang pagmamahal sa akin. Hindi ko siya masisisi kung magkagayon dahil ako ang may kasalanan.
Ano ang dapat kong gawin?
Anselmo
Dear Anselmo,
Malaki nga ang pagkukulang mo. Dahil lamang sa isang GRO ay isang hiyas ang iyong iniwan. Ang isang ulirang asawa ay mahalaga pa sa mamahaling hiyas. Pero lahat ay nagkakamali at nagkakasala. Ang importante ay ang pagsisisi na palatandaan na kinilala mo ang isang pagkakamaling gusto mong ituwid.
Nangyari na iyan at hindi na puwedeng ibalik ang lumipas para baguhin ang mga pangyayari. Kung tapat ang iyong pagsisisi ay ipabatid mo sa kanya. Walang masama riyan. Afterall, kung nagkasala tayo kanino man, makatarungan lang na humingi tayo ng tawad.
Huwag mong isipin na hindi ka na niya mahal. Kung magkagayon man, at least naipahayag mo sa kanya ang taus-puso mong pagsisisi. Magbakasakali ka at baka muling mabuo ang iyong nawasak na pamilya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended