Maramot ang pag-ibig
January 5, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo? Sana, pagpalain kayo ng Diyos sa inyong mabubuting gawa.
Sumulat po ako upang ibahagi ang naging karanasan ko sa pag-ibig na siyang naging dahilan para danasin ko ang sukdulang lungkot sa bilangguang ito.
Isa po akong desperado na halos mawalan ng tiwala sa sariling kakayahan dahil sa pagsubok ng tadhana. Subalit nang matunghayan ko ang inyong mga payo sa bawat lumiliham sa inyo, nagkalakas ako ng loob na lumiham din sa inyo para harapin ang bawat suliraning darating pa sa buhay ko.
Nag-iisa po akong lalaki sa aming apat na magkakapatid. Sa edad na walong taon, pumanaw na ang aking ina na mahal na mahal ko.
Hindi naglaon, namatay din ang aking ama kaya natigil po ako sa pag-aaral. Naisip kong lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho at pinalad naman akong matanggap sa pagawaan ng transportasyong panlupa.
Sa isang maliit na kuwarto ako nangupahan. Hindi nagtagal, mayroon ding nangupahan sa kalapit-kuwarto ko, isang magandang dalaga na tawagin nating Vilma.
Naging malapit kami sa isat isa hanggang sa sumibol sa aming puso ang isang matapat na pag-ibig. Lubos kong iginalang si Vilma at pinaglaanan ko ang aming mga pangarap sa buhay.
Noon ay Mayo 7, 1995. Nag-overtime ako sa trabaho dahil apurahan ang aming ginagawa. Nakauwi ako sa tirahan dakong alas-11 ng gabi. Pagdating ko sa aking tinutuluyan, nakarinig ako ng isang impit na iyak na mula sa kuwarto ni Vilma.
Natiyak ko na may nangyari sa kanya. Binalya ko ang pinto ng kuwarto at natambad sa akin ang hubot hubad na salarin na nakilala kong ang may-ari ng paupahang mga kuwarto. Binababoy niya si Vilma habang may hawak siyang baril.
Agad kong tinangkang agawin ang baril sa may kamay niya pero sinamang palad na napaputok niya at tumama nang dalawang ulit sa dibdib ng nobya ko.
Nang ganap kong maagaw ang armas, pinaputok ko ito ng sunud-sunod hanggang sa maubos ang bala.
Dala ng ingay, nagising ang aming mga kalapit kuwarto at mga kapitbahay. Nang daluhan ko si Vilma, wala na siyang buhay.
Noon din ay dinala ako ng mga pulis. Pagkaraan ng dalawang ulit na paglilitis sa aking kaso, nahatulan ako ng reclusion perpetua. Mula po noon ay naging desperado na ako at madilim na ang aking paligid.
Pagkaraan ng hatol, dinala ako sa Muntinlupa at noong 2003, nalipat ako sa Davao.
Sang-ayon po sa aking carpeta o prison record, nakabilang ako sa mga palalayain ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa 2008.
Ito po ang kuwento ng aking matamis na pag-ibig na ipinagdamot ng kapalaran.
Pagpayuhan po ninyo ako para maibsan man lamang ang lungkot na dinaranas ko dito. Umaasa din po ako na sa pamamagitan ng column na ito ay magkakaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.
Salamat po.
Umaasa,
Fernando "Jun" Parejo, Jr.
Hospital B Compound
Dapecol, Panabo,
Davao del Norte 8105
Dear June,
Salamat sa liham mo at sana, matanggap mo ang pagpapala ng ating Panginoon sa Kapaskuhang ito.
Talagang balintuna ang mundo, mailap ang kaligayahan, lalo na ang pag-ibig.
Pero hindi dapat na maging daan ito para ganap kang mawalan ng tiwala sa nasa Itaas. Huwag kang padadala sa kawalan ng pag-asa. Bagkus, pagbutihin mo ang pananalangin dahil dito higit na titibay ang puso at damdamin.
Nawala man ang mahal mong nobya, hindi maglalaon at makakatagpo ka rin ng isang babaeng uunawa sa naging masaklap mong karanasan.
Mahal ka ng Panginoon. Kung hindi, hindi ka mapapasama sa mga palalayain sa 2008 sa kabila ng hatol sa iyong habambuhay na pagkabilanggo.
Ipagpatuloy mo ang rehabilitasyon diyan sa loob at sa paglaya mo, sana, matutuhan mong matanggap ang naging palad mo. Isa lang itong pagsubok kung gaano mo kamahal ang Diyos.
Good luck to you.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended