^

Dr. Love

Hiwalay at ibig mag-asawa muli

-
Dear Dr. Love,

May I greet you advance Merry Christmas and may God’s blessing always shower you and your loved ones. Tawagin mo na lamang akong Remy, 36-anyos at hiwalay sa asawa. Limang taon na akong hiwalay at ang nag-iisang anak ko ay nasa pangangalaga ng aking asawa.

Ang dahilan ng aming paghihiwalay ay ang sobrang pagkaseloso ng aking asawa to the point na nagiging bayolente siya at ako’y sinasaktan. Sa totoo lang po, ako’y tapat sa kanya at hindi nagtataksil. Pero para siyang paranoid. Kahit walang kadahi-dahilan ay sinasabing may lalaki ako at ako’y sinasaktan niya. Minabuti ng aking mga magulang na layuan ko na lamang siya. Ako ngayo’y nasa piling ng aking mga magulang sa Lucena.

Ngayo’y may boyfriend ako. Mabait siya at maalalahanin. Gusto naming magsama pero tutol ang mga magulang ko dahil kasal pa rin daw ako sa aking asawa kahit kami’y magkalayo.

Dahil diyan ay nagkakasya na lang kami sa tinatawag na nakaw na mga sandali. Minsan sa isang linggo’y nagdi-date kami at sa motel namin nagagawang ipadama ang pag-ibig sa isa’t isa.

Alam kong pangit ito sa mata ng tao lalo pa’t may ilan nang nakakakita sa amin kapag pumapasok ka
mi sa motel. Paano ang dapat naming gawin?

Remy


Dear Remy,


Tama ang mga magulang mo. Balido pa ang kasal ninyo kahit kayo’y wala nang komunikasyon ng iyong asawa. Hangga’t maaari’y hindi dapat wasakin ang kasal dahil ito’y sagrado. Pero kung bayolente ang asawa mo’t nabibingit ang iyong buhay, kailangan talagang papaglayuin kayo. Gayunman, hindi ito lisensya para mag-asawa kang muli kung naniniwala ka at sumusunod sa utos ng Diyos.

Sa pagitan ng pag-ibig sa kasintahan at pagmamahal sa Diyos, dapat mangibabaw ang huli. Iyan ay kung ako ang iyong tatanungin dahil naniniwala ako sa Salita ng Diyos.

Sa punto ng batas ng tao, isang krimen para sa babae at lalaking may-asawa na makisama sa iba. Ito’y kaso ng concubinage o adultery. Bago ka makapag-asawa ng iba, kailangan muna nang annulment o pagpapawalang-bisa ng una mong kasal. Iyan ang batas ng tao. Pumili ka, batas ng tao o batas ng Diyos?

Dr. Love

AKO

ASAWA

DEAR REMY

DIYOS

DR. LOVE

IYAN

MAY I

MERRY CHRISTMAS

PERO

REMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with