Nagtanggol sa amo, kulong
December 20, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo, sampu ng mga kasamahan ninyo sa pasulatan.
Lumiham po ako para makahingi ng inyong payo at tuloy maibahagi ko sa inyong mga mambabasa ang masaklap kong karanasan sa buhay na naghantong sa akin dito sa bilangguan.
Tubong Mindanao po ako. Doon ako lumaki at nagkaisip sa piling ng aking mga magulang.
Naging maganda naman ang takbo ng aking buhay noon. Sa kabila ng kahirapan, naitaguyod ako ng aking mga magulang para makapag-aral hanggang sa high school.
Hindi ko na natapos ang aking pag-aaral dahil naisipan kong magtrabaho na para makatulong sa aking pamilya. Sa awa ng Panginoon, natanggap naman akong construction worker.
Pero hindi nagtagal at naisipan kong lumuwas ng Maynila para maghanap ng ibang hanapbuhay na makapagbibigay ng maganda-gandang sahod.
Muli naman akong pinalad na magkatrabaho bilang family driver.
Maganda ang trato ng aking amo sa akin. Ang trato nila sa akin ay isang kamag-anak kayat wala na akong mahahanap pang ibang empleyo tulad ng sa kanila.
Hanggang sa dumating mula sa ibang bansa ang kapatid ng aking amo.
Nagkaroon ng kasayahan sa bahay ng amo ko bilang pasalubong sa dumating na kapatid.
Ang hindi ko alam, mayroon palang alitan ang aking amo at ang barkada ng kanyang kapatid na dumalo sa kasayahan sa bahay ng aking amo.
May kaunting inuman kasama na ako at ang barkada ng kapatid ng aking amo.
Nang magpunta ako sa CR para magbawas, nagkaroon pala ng gulo dahil binugbog ng barkada ng kapatid ng amo ko ang aking boss.
Hindi ko po napigil ang aking sarili at tumulong ako sa pagtatanggol sa aking boss hanggang hindi ko namalayan na napatay ko ang kalaban ng aking amo.
Ito ang naging dahilan para makulong ako. Matagal-tagal na rin po ako dito sa loob. Sana po, mabigyang-pansin ninyo ang liham kong ito at sana, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para mabawasan ang aking kalungkutan at mabuhay muli ang pag-asa sa buhay.
Gumagalang,
Joey Uy
1-A Student Dorm,
Y.R.C., Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Joey,
Isang masaganang pangungumusta rin sa iyo at sana, pagpalain ka ng Panginoon sa panahong ito ng Pasko.
Ang basa ko sa liham mo, ang labis mong katapatan sa iyong amo ang naging daan sa pagkakapatay mo ng tao.
Hindi masama ang maging matapat sa amo, pero dapat pinairal mo ang kahinahunan para naiwasan mo ang pagkakagawa ng krimen.
Hindi rin mabuti ang epekto ng nakalalangong inumin kayat nawalan ka ng kontrol sa sarili hanggang sa makapatay.
Sana, maiwasan mo ang bisyong ito sa sandaling lumaya ka na dahil ito ang naging daan sa pagkakakulong mo ngayon.
Kung hindi maiiwasan ang pag-inom, katamtaman lang at huwag sana itong maging daan para makalimot sa sarili.
Pagbutihin mo ang rehabilitasyon sa loob at sana, maging maaga ang paglaya mo kung magpapakita ka ng kabutihang asal diyan sa kulungan.
Good luck at sana, magkaroon ka ng maraming penpal.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am