Teen lovers
December 16, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo? Sana in good health kayo pag natanggap ang sulat kong ito. Please call me Gigi na lang. I am only 14 years-old pero may boyfriend na ako. Tawagin mo na lang siyang Hero.
Siguro sasabihin mong masyado pa kaming bata. Pero iyan ang nararamdaman namin sa isat isa. We love each other so much.
Si Hero ay mas bata sa akin. He is only 13 going 14 sa January. Kapitbahay ko siya. Magmula elementary ay magkalaro na kami and best friends kami.
Kaya naging ordinary na lang na madalas sa bahay namin si Hero at okay lang sa mga parents ko. Pero minsan, nagalit ang aking Dad. Kasi nahuli kami ni Hero sa aming kusina na naghahalikan.
Hindi ko kasi ini-expect na dadating ang Daddy ko dahil may nakalimutan siya. Ang Mommy ko ay nasa palengke.
Mula noon ay pinagbawalan na kaming magkita. Sinumbong pa ng Daddy ko si Hero sa kanyang mga magulang kaya pinaglayo kami.
Siyempre masakit para sa aming dalawa ang nangyari. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral. Ano ang gagawin ko?
Gigi
Dear Gigi,
Pareho pa kayong namumukadkad pa lang kumbaga sa bulaklak. Tama ka. Sasabihin ko talaga na pareho pa kayong napakabata para sabihing in-love kayo sa isat isa. Normal ang pagkakaroon ng crushes kahit sa mga bata. Pero kailangan ang parental guidance dahil hindi pa ninyo lubos na nauunawaan ang pag-ibig. Malaking responsibilidad iyan na hindi basta-basta pinapasukan nang walang kahandaan.
Tama ang mga magulang ninyo na paglayuin muna kayo. Sa edad ninyo ngayon, posibleng magbago pa ang isip ninyo at ma-realize na hindi pala ninyo talagang mahal ang isat isa pagdating ng panahon. Manatili muna kayong magkaibigan. Kapag may sapat na kayong isip, dun kayo mag-decide kung mahal pa ninyo ang isat isa.
Samantala, pag-aaral muna ang asikasuhin ninyo. Ang edukasyon ay mahalaga upang kayoy kapwa magkaroon ng matatag na kinabukasan. Kailangan ninyo iyan sa panahong gusto na ninyong magkapamilya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended