Tibo ang siyota
December 6, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Harinawang abutan ka ng liham ko na nasa maayos na kalagayan sampu ng iyong pamilya at staff ng Pilipino Star NGAYON. Isa ako sa masugid mong tagasubaybay at sanay matulungan mo ako sa aking problema.
Tawagin mo na lang akong Maricris, 25 years-old. Maganda ako at nakakalimang boyfriends na. Sa karanasan ko sa pag-ibig, may natutuhan akong leksyon: Mapagsamantala ang lahat ng mga lalaki. Iisang bagay lang ang hangad sa babae at iyay alam mo na.
Ganyan ang karanasan ko sa kanilang lahat. Matapos makuha ang pagkababae ko ay iniwanan na lang ako at sukat. Kaya ngayoy nadala ako at ayaw ko nang makipag-boyfriend kanino man. Para akong naging man-hater.
Ngayon ay may siyota ako pero hindi siya lalaki kundi isang tomboy. Limang buwan na ang aming relasyon at damdam koy sa kanya ko lang nadama ang tunay na pag-ibig. Maaalalahanin siya at karamay ko siya sa lahat ng aking problema. Itoy katangiang hindi ko nakita sa mga naging kasintahan ko noon.
Gusto niya na magsama na kami sa isang bubong. Tama bang makipag-relasyon sa tomboy?
Maricris
Dear Maricris,
Ang babae ay nilikha para sa lalaki at ang lalakiy para sa babae. Iyan ang disenyo ng Diyos. Palagay ko, nagawa mo lang makipagrelasyon sa tomboy dahil disappointed ka sa mga lalaki.
Pero ang pakikipagrelasyon ng babae sa babae o lalaki sa lalaki ay hindi makakakumpleto sa tunay na hangad ng Panginoon para sa atin. Ang pagbuo ng isang pamilya. Maaari kayong umampon pero kailanman ay hindi kayo puwedeng magkaroon ng anak na matatawag ninyong sa inyo nanggaling.
Kung nagkaganyan man ang buhay mo, dapat mong sisihin ang iyong sarili dahil ipinaubaya mo ang iyong pagkababae sa bawat lalaking naging bahagi ng iyong buhay. Natural na maging mababa ang pagtingin ng lalaki sa iyo.
Pero hindi pa huli ang lahat. Puwede mo pang ituwid ang iyong buhay at alam kong makakatagpo ka ng ulirang lalaking tapat na magmamahal sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended