^

Dr. Love

Magpapakasal sa isang ‘lolo’

-
Dear Dr. Love,

Just call me Trixie, 21-anyos. Sumulat ako sa iyo para magtanong kung hindi ba masagwa para sa isang batang katulad ko ang magpakasal sa lalaking 65-anyos na?

Aaminin ko sa iyong nagpapaka-praktikal lang ako. Ako’y mula sa isang mahirap na pamilya at ang trabaho ko’y waitress lang sa isang restaurant.

Hindi ako nakatapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan at ako lang ang inaasahan ng aking mga magulang na kapwa matanda na.

Nakilala ko sa restaurant na pinaglilingkuran ko ang aking mapapangasawa. Isa siyang biyudo at mayaman. Sa kabila ng kanyang edad ay may appeal siya. Tipong Romeo Vasquez ang dating.

Niligawan niya ako at nangakong papag-aaralin ako kapag kami’y ikinasal at hahanguin sa hirap. Iniisip kong mabuti ang consequence kung tatanggapin ko ang alok niya at ako’y naguguluhan. Baka sabihin ng tao na kayamanan lang ang habol ko sa lalaking ito.

Ano ang gagawin ko?

Trixie


Dear Trixie,


Walang masamang magpakasal ang bata sa matanda sa dalawang kondisyon. Walang sabit (ibig sabihin parehong single) at may namamagitang tunay na pag-ibig.

Sabi nga, pagdating sa pag-ibig, hindi sagabal ang edad. Pero kung ang dahilan ng pagpapakasal ay dahil lang sa yaman, hindi yata maganda iyan at may moral question na nakapaloob.

Pero nasa sa iyo ang huling pagpapasya, at ano mang payo ang ibigay ko, desisyon mo pa rin ang mangingibabaw. Ang payo ko lang ay mag-isip kang mabuti.

Dr. Love

AAMININ

AKO

ANO

DEAR TRIXIE

DR. LOVE

INIISIP

PERO

TIPONG ROMEO VASQUEZ

TRIXIE

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with