Buhay ang pag-asa
October 1, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong mataos na pagbati sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng PSN gayundin sa lahat ng inyong mga mambabasa.
Alam kong napakaraming sumusulat sa inyong mga bilanggo at kabilang na ako sa mga naghahangad na mailathala ang kasaysayan ng aking buhay at kung bakit ako nasadlak sa lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Bago ako napasok dito sa pambansang piitan, isa akong security guard sa Valenzuela at dito ko nakilala ang isang babaeng nagpatibok sa aking puso.
Bago ito ay mula ako sa isang mahirap na angkan sa Leyte at lumuwas ako ng Maynila noong Nobyembre 23, 1972 para makipagsapalaran sa buhay. Pinalad naman akong matangap sa trabaho sa tulong ng Panginoon.
Ang babaeng naging nobya ko ay inaya ko nang pakasal, pero tumanggi siya dahil hindi pa raw siya sawa sa pagkadalaga.
Inunawa ko naman siya pero minsang patungo ako sa aking duty, nabigla ako nang makita ko siyang may kasamang isang pulis na nakaakbay pa naman sa kanya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking natuklasan.
Hindi pa rin ito naging daan para kalimutan ko siya. Pilit ko pa rin siyang inunawa.
Hanggang isang araw, nakasalubong ko ang boyfriend niyang pulis. Hindi ko alam na may balak pala siyang masama sa akin. Tuloy ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa isang kanto at huminto siya. Binati ko siya bilang paggalang nang tawagin niya ang aking pangalan.
Hindi ko alam na lasing pala siya. Tinanong niya ako kung akoy matapang at binunot niya ang kanyang baril at tinutukan ako sa sentido. Tinapik niya ako at nagpaputok na siyang dahilan para ako ay tumakbo. Dumapa ako at pinagbabaril niya ako pero sa tulong ng Panginoon, hindi ako tinamaan. Naalala kong mayroon akong dalang balisong at iyon ay binunot ko at tinamaan ko siya sa dibdib na kanyang ikinamatay.
Sa ginawang paglilitis, nahatulan ako ng mahabang panahong pagkabilanggo. Pero sa kabila ng nangyari, inihabilin ko na lang sa Panginoon ang aking buhay. Maaaring kaya Niya ako dinala dito, may plano Siyang iba para sa akin.
Hindi ako nawalan ng pag-asa sa nangyaring ito sa akin at sa pamamagitan ng mga panalangin ay inaasahan kong malalampasan kong lahat ang mga unos sa aking buhay. Tinanggap ko nang hindi kami para sa isat isa ng babaeng minahal ko at pinaglaanan ng magagandang pangarap sa hinaharap.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ako na makakatagpo ako ng isang babaeng mauunawaan ang kalagayan ko sa buhay.
Natanto ko rin na mahirap pala ang walang nagmamahal. Handa kong buksan ang aking puso at isipan sa sandaling may makilala akong babaeng tapat na magmamahal sa akin.
More power to you at salamat nang marami.
Joseph L. Cabrera
Bldg. 139, MSC,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Joseph,
Sana, makapaghatid sa iyo ng tuwa ang paglalathala ng liham mong ito at sana rin, hindi magbago ang kasalukuyan mong tatag ng loob sa pagsalunga sa masalimuot na buhay. Huwag kang makakalimot sa pananalangin dahil ang Panginoon ang siyang magiging gabay mo sa pagharap sa mga dumarating na unos.
Hangad ng pitak na ito ang patuloy mong paniniwala sa kabutihan sa kabila ng nangyari sa iyong buhay. Sana rin maging magandang aral sa iyo ang insidenteng naganap sa iyo dahil ang pag-iral ng init ng ulo ay hindi makabubuti sa tao.
Hindi lahat ng babae ay salawahan tulad ng naging nobya mo kung kayat inaasahan naming makakatagpo ka rin ng isang babaeng mapagtitiwalaan at karapat-dapat sa maganda mong layunin.
Keep up the good work. Ipagpatuloy mo ang pagbabago at hangad namin ang maaga mong paglaya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended