^

Dr. Love

In love sa Japayuki

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Brando, 50 years-old at sa gulang kong ito’y isa nang biyudo. Namatay sa cancer sa matris ang misis ko dalawang taon na ang nakararaan at naiwan niya sa akin ang dalawa naming anak, isang babae at isang lalaki na kapwa nasa kolehiyo na at magtatapos na ng kurso sa isang taon.

Mabigat ang problema ko Dr. Love. Tutol ang mga anak ko sa relasyon namin ng aking kasintahang si Lorena, isang Japayuki. Si Lorena ay halos ka-edad lang ng panganay kong anak.

Noong araw, akala ko’y palipasan ko lang si Lorena. Pero habang nagtatagal ang relasyon namin, nakita ko na ginintuan ang kanyang ugali. Nag-Japan siya dahil sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Ni minsan ay hindi siya nakipagrelasyon sa mayamang Hapones para lang madaling yumaman. Ang bawat sentimong kinita niya ay mula sa kanyang lehitimong pagtatrabaho sa Japan. Iyan ay isang bagay na hinangaan ko sa kanya.

Ako naman ay isang negosyante at may kaya. Nagkasundo kami ni Lorena na magpakasal at nangako siyang hindi na babalik muli sa Japan. Afterall, kaya ko siyang buhayin pati na ang pamilya niya.

Umaayaw ang aking mga anak at sinabing titigil sila sa pag-aaral kapag tinuluyan ko si Lorena. Natatakot akong masira ang kinabukasan nila. Ano ang gagawin ko?

Brando


Dear Brando,


May karapatan kang lumigaya. Kung pareho kayong nagmamahalan ni Lorena, walang masama. Pero mabigat ang banta ng mga anak mo. Try to convince them further at naniniwala akong mapapahinuho mo rin sila.

Kung kailangang maghintay pa kayo ni Lorena hanggang makatapos ang iyong mga anak, gawin mo. Nag-aaral pa ang iyong mga anak at obligasyon mo sila. Kailangan ang kaunting sakripisyo.

Siguro, natatakot ang iyong mga anak na mapabayaan mo sila kaya makabubuting hintayin mo na lang silang makapagtapos ng pag-aaral.

Dr. Love

AFTERALL

ANAK

ANO

BRANDO

DEAR BRANDO

DR. LOVE

HAPONES

LORENA

PERO

SI LORENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with