^

Dr. Love

‘Iba’t ibang paraan ang pagpapala ng Diyos sa atin’-Ate Nette

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Danny Q. Junco -
Napatunayan naming mag-asawa ang kabutihan ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapala Siya sa atin bilang mga anak sa iba’t ibang paraan. Kami ay fulltime sa gawain ng Panginoong Jesu-Cristo sa Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) sa Mandaluyong City.

Napakabuti nga ng Panginoong Jesu-Cristo sa amin. May dalawa kaming anak na nag-aaral sa kolehiyo. Ang panganay namin na babae ay nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ang aming bunsong lalake ay first year sa De La Salle University.

Ito ang patotoo namin kung ano ang ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo sa bunso naming si Joseph o Kokoy. Kaga-graduate lang niya ng high school sa Quezon City Science High School. Kumuha siya ng entrance examination sa UPLB (University of the Philippines, Los Baños, Laguna) at sa De La Salle University at sa kabutihan ng Diyos ay pumasa siya sa dalawang unibersidad na ito. Aming ipinagdasal kung ano ang kalooban ng Diyos kay Joseph–kung siya ba’y mag-eenroll sa UPLB o sa De La Salle University.

Sa panalangin namin, mas matimbang ang De La Salle University para doon na lamang pumasok si Joseph. Nitong summer, hiningi niya ang ITR naming mag-asawa dahil siya’y mag-aaplay sa financial assistance scholarship program sa nasabing eskuwelahan. Sinagot naman siya na pwede pero 70 porsiyento lamang ang maibigay na scholarship ng eskuwelahan sa kanya. Kinukuwenta namin ang kabuuhan ng tuition na matitira na kanyang babayaran at ito’y aabot pa ng P30,000.

Napakahalaga ng perang ito sa aming mag-asawa dahil ito lamang ang naipon namin at gagamitin sana namin ito para sa aming mga bayarin. Pero para nga sa kabutihan ng aming mga anak kagaya ni Joseph, wala kaming magagawa kundi ibayad na lamang namin ito sa De La Salle University sa araw ng enrollment niya.

Dumating ang araw ng enrollment ni Joseph at sinamahan ko siya at dala-dala ko ang perang pang-enroll niya. Habang inaayos ng anak ko ang enrollment papers niya sa registrar, ako naman ay nanalangin sa isip lamang na gumawa ng himala ang Panginoong Jesu-Cristo tulad ng kung paano Niya hinati ang Red Sea para lamang makatawid ang mga Hudyo sa kabilang dako at iba pang mga himala na ginawa Niya noong unang panahon sa Kanyang mga alagad.

Nang bumalik ang anak ko, sinabi niya sa akin na wala akong babayaran at tinanong ko siya kung paano nangyari iyon. Tiningnan namin sa computer at nakita ko na zero balance nga at wala talaga kaming babayaran. Full scholarship ang ipinagkaloob ng eskuwelahan sa aming anak. Namangha ako sa kabutihan ng Panginoong Jesu-Cristo sa pagbibigay Niya ng full scholarship kay Joseph. Dahil sa kagalakan ko, nagpatotoo ako sa harapan ng aking mga kapatiran noong Linggo (June 5) sa sanctuary ng CLSF hinggil nito. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang kabutihan sa amin na ginagawa Niya sa iba’t ibang paraan.

Ate Nette Sombilla ng Quezon City


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

ATE NETTE SOMBILLA

CRISTO

DE LA SALLE UNIVERSITY

DIYOS

NAMIN

NIYA

PANGINOONG JESU-CRISTO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with