^

Dr. Love

Provocative na hipag

-
Dear Dr. Love,

Isang magandang araw ang bati ko sa iyo, sa buong staff ng PSN at sa milyon mong mga tagasubaybay.

Just call me Rino, 29 years-old at may asawa. Nakatira kami sa isang apartment dito sa Quezon City at nakipisan sa amin ang kapatid ng misis ko. Tawagin mo na lang siyang Kristel.

Taga-lalawigan ng Isabela ang mga magulang ng aking misis at dahil natanggap sa University of the Philippines ang aking hipag, ipinakisuyo nila na sa amin muna tumira si Kristel. Tipid sa bayad sa dormitoryo at pamasahe dahil malapit lang kami sa UP.

Isang taon na naming kasama si Kristel na sa tingin ko’y masyadong liberated. Napaka-sexy niyang magdamit at nakatutukso ang kanyang alindog.

Kung minsan, sa tingin ko’y nagpi-flirt siya sa akin, bagay na hindi ko pinapansin at pinapatulan.

There are times na may mga salita siyang makahulugan na para bang niyayaya niya akong patulan siya. Gusto ko siyang isumbong sa aking asawa para mapagsabihan. Kaya lang, natatakot ako na baka magalit sa akin ang misis ko.

Dr. Love, natatakot ako na baka dumating ang araw na matukso ako sa kanya. Ano’ng dapat kong gawin?

Rino


Dear Rino,


Walang masama kung sabihin mo ito sa iyong misis. Hahanga pa siya sa iyo dahil nais mo lamang ma-preempt ang maaaring mangyari dahil sa pagiging provocative ng iyong hipag.

Sa ganyang paraan, puwedeng pangaralan ng iyong misis ang nakababata niyang kapatid para magbago ng estilo. At least kahit sa loob man lang ng inyong tahanan.

Sa panig mo, magpakatatag ka at laging humingi ng lakas sa Diyos para matalo mo ang tukso.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR RINO

DIYOS

DR. LOVE

HAHANGA

ISANG

KRISTEL

QUEZON CITY

RINO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with