^

Dr. Love

May affair si mister

-
Dear Dr. Love,

Hi to you and to all of your fans. Matagal na akong sumusubaybay sa kolum mo at di ko inaasahan na one day, kakailanganin ko pala ang payo mo. Tawagin mo na lang akong Kristie, 30-anyos at isang maybahay. Tungkol sa aking mister ang aking problema. I have the suspicion that he is having an affair.

Ang masakit, ang babaeng inaakala kong karelasyon niya ay aking pinsan na madalas dumalaw sa bahay. Kakaiba ang kanilang tinginan. Nararamdaman kong may namamagitan sa kanila. Ewan ko kung ito ang tinatawag na intuition.

Hanggang sa isang araw, nagsumbong sa akin ang aking three year-old son. Sabi niya, "Mama, nakita ko si Papa, kini-kiss si Tita Bel." Gusto kong isipin na ito’y friendly kiss lang pero may matinding kurot sa aking puso. Nagseselos ako.

Hindi na ako makatiis kaya inusisa ko. Ang sabi niya, kadarating lang ng aking pinsan kaya nagbeso-beso sila. Gusto ko siyang paniwalaan pero hindi ko magawa.

Lately, hindi na nagpupunta sa bahay ang pinsan ko. Siguro sinabi ng mister ko na mag-lay low sila dahil nakakahalata ako.

Ano ang dapat kong gawin?

Kristie


Dear Kristie,


Huwag mong bayaang makunsumi ka sa selos. Mag-usap kayong mabuti ng mister mo. For all you know, baka selos lang iyang sa iyo na walang batayan.

First of all, tanungin mo ang iyong sarili. Nagkukulang ba ang mister mo sa iyo? Hindi lang sa financial support kundi sa pagmamahal. Nanlalamig ba siya? Kung may panlalamig, malamang talagang nagtataksil siya sa iyo.

Kayong dalawa ang dapat lumutas sa problema kung magkagayon. Talk. Communicate and trace the root cause of the problem. Tingnan n’yo ang pagkukulang niyo sa isa’t isa and try to make amends. Walang perpektong pagsasama pero sa relasyon, may mga compromises na dapat maabot para ma-save ang marriage lalo pa’t may anak kayo na hindi dapat mag-suffer.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

ANO

DEAR KRISTIE

DR. LOVE

EWAN

HANGGANG

HUWAG

KAKAIBA

KRISTIE

TITA BEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with